^

PSN Opinyon

Supreme Court galit kay Lacson

- Al G. Pedroche -
PRESIDENTIAL aspirant si Senador Ping Lacson at siya na ang hinirang na standard bearer ng United Opposition. Pero marami siyang problema.

Galit sa kanya ang Korte Suprema. Mantakin n’yong akusahan ng Senador ang isang Mahistrado na nagpagamit sa mga politiko nang magpalabas ng desisyon laban sa kanya. Ang tinutukoy natin ay ang kaso ng Kuratong Baleleng massacre na kinasasangkutan niya.

Ibinasura ng Korte ang apela ni Lacson laban sa muling pagbubukas ng naturang kaso. Kasabay nito’y kinastigo ng Korte si Lacson sa akusasyon niya kay Justice Ramon Callejo Sr. na ginamit ng politiko para magpalabas ng desisyon laban sa kanya. Tinamaan ng ngitngit ng Korte si Lacson. Nagpalabas ang Hukuman ng resolusyon na kumokondina kay Lacson. Tinawag siyang "iresponsable" sa kanyang akusasyon.

Hindi kaya alam ni Lacson na ang Korte Suprema ay isang collegial body at ang akusasyon mo sa isa ay sumasakop sa lahat ng bumubuo nito? Kaya kung aakusahan mong instrumento ng pulitika ang isang mahistrado, tinutuligsa mo ang buong Korte Suprema. Buti pa’y nagpakumbaba na lamang siya sa kanyang apela sa Korte sa halip na isabit ang isang iginagalang na Mahistrado. Baka sakaling pinagbigyan siya, di ba?

Delikadong maging Erap II si Lacson kapag nanatiling bukas ang Baleleng case na iyan. Baka sa kulungan siya damputin bago pa man siya maluklok sa pinakamataas na puwesto sa gobyerno.

Hindi katakatakang gumawa ng media at advertising blitz si Lacson dahil sa problema niyang ito. Kailangang linisin niya ang kanyang pangalan.

Ngunit ang pangalan ay hindi nalilinis sa pamamagitan ng tinatawag na "para-paganda". Patunayan na lang niya sa hukuman na siya’y inosente sa halip na manghikayat siya ng suporta ng masa sa pamamagitan ng publisidad. Hindi na kasi naniniwala ang taumbayan sa publisidad. Maski papaano, umangat na rin ang talino ng Pinoy sa pulitika.

BALELENG

JUSTICE RAMON CALLEJO SR.

KORTE

KORTE SUPREMA

KURATONG BALELENG

LACSON

MAHISTRADO

SENADOR PING LACSON

SIYA

UNITED OPPOSITION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with