^

PSN Opinyon

Editoryal – Huwag ding kalimutan ang dengue

-
NAGPAPAHIWATIG na ang pagdating ng tag-ulan. Nangingitim na sa dakong hapon ang kalangitan at nagngangalit na ang pagguhit ng kidlat at dumadagundong na ang kalat-kalat na pagkulog. Tatlo o apat na linggo pa at babagsak na ang ulan. Aapaw na naman ang mga estero, kanal, at magkakaroon ng tubig ang mga sirang gomang nakapatong sa mga bubong ng barung-barong, mga alulod at ang mga basyo ng bote at kung anu-ano pang lalagyan na nasa mga bakuran. Ang mga itlog ng lamok ay magkakaroon ng buhay mula sa mahabang pagkakatulog at magiging halimaw na magdadala ng kinatatakutan at nakamamatay na dengue. Pinakamataas na bilang ng namatay sa dengue ay noong 2001 kung saan may 118 ang namatay at may naitalang 15,641 cases. Karamihan nga sa namatay ay mga bata.

Katulad ng nananalasa ngayong Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) sa bansa, hindi rin naman dapat ito ang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan kundi pati ang dengue. Ngayon pa lamang maging handa na ang Department of Health (DOH) kung paano magkakaroon ng kampanya laban sa dengue. Tambalang SARS at dengue ang kalaban ngayon ng taumbayan at hindi biro ang mga ito sapagkat pumapatay. Walang patawad at pinipili. Ang dengue ay nanggagaling sa lamok na aegis aegypti, babaing lamok na sumasalakay kung araw. Mga sintomas ng dengue ang pagkakaroon ng lagnat na tumatagal ng apat o limang araw, pagkakaroon ng pantal sa balat, panghihina ng katawan at kulay itim ang dumi. Kung mapansin ang mga sintomas na ganito, dagliang magpakunsulta sa doctor.

Maruming paligid. Iyan ang gustong maging tahanan ng mga lamok na may dengue. Gustung-gusto rin nila ang mga madidilim at magugubat na lugar na hindi tinatamaan ng sikat ng araw. Maski sa mga damit na nakasampay sa sulok ay paboritong nilang tirahan. Mas makabubuting alisin ang mga basura sa bakuran upang walang matirhan ang mga lamok. Linisin din ang mga daanan ng tubig at siguruhing walang basurang nakaharang. Kapag ang tubig ay hindi umagos, sasamantalahin ng lamok para doon mangitlog.

Ang pakikipagtulungan ng taumbayan sa pamahalaan ay mabisang paraan para ganap na malipol ang mga lamok. Ang walang disiplinang pagtatapon ng basura ay hindi na dapat gawin upang hindi na mabigyan ng pagkakataon ang mga lamok na dumami.

Ang DOH ang dapat manguna sa kampanya laban sa dengue. Kung nagawa nila ang malaganap na kampanya laban sa SARS, magagawa rin nila ito sa nakatatakot na dengue.

AAPAW

DENGUE

DEPARTMENT OF HEALTH

GUSTUNG

IYAN

KAPAG

LAMOK

SEVERE ACUTE RESPIRATORY SYNDROME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with