^

PSN Opinyon

Guro, hindi nabigyan ng benepisyo

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
KASO ito ni Merto, isang guro sa elementarya sa isang baryo sa Samar. Sa kanyang regular na pagtuturo, tumatanggap siya ng P90.53 suweldo kada linggo. May dedikasyon si Merto sa kanyang pagtuturo kahit na araw-araw siyang dumadaan sa ilang ilog, sapa at kagubatan patungong baryo. Sa ika-32 taong pagtuturo, nagsimula siyang magkasakit. Ayon sa pagsusuri ng doctor, si Merto ay may peptic ulcer, hypertension, at schistosomiasis.

Nagpasyang magretiro si Mamerto. Animnapung gulang na siya at nakapagserbisyo na rin sa gobyerno ng 33 taon. Nagpatuloy pa rin ang kanyang sakit kahit na tumigil siya sa pagtuturo. Kaya, hiniling niya sa gobyerno ang kompensasyon sa kanyang pagkakasakit at bayad sa mga nagastos sa medikal at pagpapa-ospital. Tinanggihan ng gobyerno ang kahilingan ni Mamerto. Ayon sa gobyerno, dahilan lamang daw ni Merto na tumigil sa pagtuturo para magamit na nito ang mga benepisyo sa Retirement Law ; at ang pagkakasakit niya ay nangyari lamang nang tumigil itong magturo. Tama ba ang gobyerno?

MALI.
Kung ang pagkakasakit ng isang empleyado ay nangyari habang siya ay nagtatrabaho, ipinapalagay na ito ay dahilan ng kanyang pagtatrabaho. Subalit ang palagay na ito ay maaaring pasinungalingan ng employer.

Sa kasong ito, hindi napasinungalingan ng gobyerno ang palagay na ito. Bagkus napatunayang ang pagkakasakit niya ay nagmula sa araw-araw niyang paglalakbay patungo sa malayong baryo kung saan siya nagtuturo. Ang trabaho ng guro ay nangangailangan ng pisikal na lakas at anumang sakit na nagmula sa kanyang trabaho ay nararapat na may kompensasyon (Capacio vs. Republic 159 SCRA 500).

vuukle comment

ANIMNAPUNG

AYON

BAGKUS

CAPACIO

GOBYERNO

KANYANG

KAYA

MAMERTO

MERTO

RETIREMENT LAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with