^

PSN Opinyon

Kuwento ni Pauline: GRO

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
MAGANDA si Pauline, 16. Isa siyang GRO sa sikat na nightclub sa Maynila.

Broken home ang pamilya.

Sumama sa ibang lalaki ang kanyang ina. Iniwan siya ng ama sa lolang masakitin.

Matagal nang walang balita si Pauline sa mga magulang at sa mukha ng batang GRO ay nakabakas ang pagdaramdam sa mga magulang na para sa kanya ay hindi dapat na naging magulang. Nagsisisi si Pauline kung bakit siya’y isinilang pa sa mundo.

Kaibigang matalik ni Pauline ang disisais anyos na si Grace na tulad niya’y broken home rin, kasamahan niya sa club. Inamin ni Pauline na karamihan sa mga customer niya ay DOM na mahilg sa mga "daisy" na ang tinutukoy niya ay mga edad na daisy-sais, daisy siete, daisy ocho at daisy nuebe.

Sinabi ni Pauline na may working permit sila pero peke ang permit nila dahil ang edad na nakasulat sa permit ay beinte-uno at iba pa ang pangalan nila pati na ang mga magulang nila. Ayon sa kay Pauline, kung saan-saang lugar galing ang mga GRO. Iba’t iba ang naging karanasan nila. May mga nabubuntis, nagpapalaglag, may nakapag-asawa at tahimik na namumuhay. Lahat sila sa club ay totoong mga menor de edad. Malalakas at maimpluwensya ang may-ari ng club na kanilang pinagtatrabahuhan. Protektado sila ng mga pulis.

Marami pang Pauline na nasa kumunoy ng lusak at hindi makaahon. May ginagawa kaya ang gobyerno para sila hanguin?

vuukle comment

AYON

INAMIN

INIWAN

ISA

KAIBIGANG

LAHAT

MALALAKAS

MARAMI

PAULINE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with