^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Unahin munang durugin ang Sayyaf!

-
HANDANG-HANDA na ang mga peacekeeper na ipadadala ng pamahalaan sa Iraq para makatulong sa pagpapanumbalik ng kaayusan doon. Tinitiyak ng pamahalaan na hindi mapapahiya ang Pilipinas kapag dumating sa dinurog na bansa ni Saddam Hussein. Noong una ay mahigpit ang pagsasabi ng pamahalaan na hindi magpapadala ng tropa roon, pero nagbago ang pasya. Isang malaking puntos na naman ito ng Pilipinas sa mga mata ni US President George W. Bush. Kamakailan, tinawagan ni Bush sa telepono si President Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa ipinakitang pagsuporta sa pagsalakay sa Iraq.

Habang panay ang suporta ng Pilipinas sa US at ngayon nga’y magpapadala pa ng peacekeepers doon, hindi naman nagagawang pagmasdan ng pamahalaan ang mga sariling problema na dapat munang asikasuhin. Isa sa mga problemang dapat noon pa natapos ay ang mga teroristang Abu Sayyaf.

Marami nand nadukot at namera nang ayos ang mga terorista. Ilang beses nang binantaan ni Mrs. Arroyo pero hanggang ngayon ay nariyan pa rin. Dalawang babae pa ang bihag ng mga terorista. Hinihintay na lamang ba ng military na ang mga bihag na ang gumawa ng paraan para makatakas? Mag-aabang na lamang sila sa tatakbuhang lugar ng mga bihag gaya ng ginawa ng dalawang nakatakas noong Biyernes Santo.

Nakatakas mula sa Abu Sayyaf sina Emily Mantic at Cleofe Mantulo nang makatulog ang kanilang bantay. Kini-claim naman ng military na ang pagtakas ng dalawa ay dahil sa sunud-sunod nilang operation. Kung ginagawa nila ang trabaho, bakit kailangang lumipas pa ang siyam na buwan saka nakatakas ang dalawa. At nasaan pa ang dalawang orihinal na kasama nina Mantic at Mantulo. Nasaan din si Roland Ulah na may tatlong taon nang bihag ng mga terorista?

Noong nakaraang linggo, isang Indonesian ang nakatakas sa mga terorista at sinabi rin ng military na naguguho na ang puwersa ng Abu Sayyaf. Hindi raw sila tumitigil sa pagtugis sa mga terorista at malapit na silang maubos.

Nakahanda ang pamahalaan sa pagsuporta sa US. Walang hindi gagawin para lamang mabigyan ng kasiyahan si Bush. Ang tanong, paano naman ang problema sa sariling bakuran. Ang problemang ito ang dapat munang unahin ng pamahalaan. Ipakita naman ng military na mayroon silang kakayahan sa pakikipagsagupa sa mga teroristang "tinik sa lalamunan".

ABU SAYYAF

BIYERNES SANTO

CLEOFE MANTULO

EMILY MANTIC

MRS. ARROYO

NOONG

PILIPINAS

PRESIDENT GEORGE W

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with