^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Nasaan na ang 4 na babaing bihag ng Sayyaf?

-
SIYAM na buwan nang bihag ng mga teroristang Abu Sayyaf ang apat na babaing miyembro ng Jehovah’s Witnesses. Hanggang sa kasalukuyan, wala pang linaw kung nasaan na sila ngayon. Walang nakaaalam kung gumagawa pa ng paraan ang pamahalaan kung paano mababawi ang apat na kawawang babae. Ang pamahalaan ay matindi ang pagsuporta sa United States sa pagsalakay sa Iraq subalit hindi naman mabigyan ng kaukulang atensiyon ang kalagayan ng mga babaing bihag ng mga terorista.

Ang apat na babae ay kinidnap ng mga teroristang Sayyaf noong Agosto 20, 2002 sa Sulu habang nagtitinda ng mga herbal medicine. Ang apat ay nakilalang sina Nori Bendijo, Emily Mantic at ang maghipag na sina Cleofe at Florida Montulo. Ang dalawa nilang lalaking kasama ay pinugutan ng ulo ng mga terorista at saka ikinalat sa palengke ng Sulu kinabukasan makaraang kidnapin.

Malupit ang Abu Sayyaf. Pati babae ay hindi pinatatawad. Dalawang babae na rin ang kanilang pinatay at pagkatapos ay nilaslas pa ang mga suso. Ang pamumugot ng ulo ay karaniwan na lamang sa kanila. Dalawang gurong lalaki ang pinugutan nila ng ulo noong 2001 at saka inilibing nang hanggang tuhod. Namera nang husto makaraang kidnapin ang 21 turista sa Sipadan, Malaysia noong April 30, 2000. Sila rin ang kumidnap sa mag-asawang Martin at Gracia Burnham sa Palawan, noong 2001. Napatay si Martin nang iligtas ng military.

Noong Linggo isang babaing negosyanye na naman ang kinidnap ng mga terorista sa Siasi, Sulu. Kinidnap si Gertrudes Tan ng limang armadong lalaki at mabilis na isinakay sa isang motorboat at dinala sa kalapit na isla ng Jolo. Natakasan na naman ang military at pulisya ng mga madudulas na Abus Sayyaf.

Napatay na ang Sayyaf spokesman na si Adlam Tilao alyas Abu Sabaya noong nakaraang taon subalit patuloy pa rin ang mga terorista sa masamang gawain. Pinaniniwalaang nakakukuha ng suporta ang mga terorista sa Al-Qaida network na pinamumunuan ni Osama bin Laden. Si Bin Laden ang mastermind sa pagwasak ng World Trade Center sa New York noong Sept. 11, 2001.

Iligtas ang apat na babaing bihag! Matagal na ang kanilang ipinagtitiis sa mga kamay ng mga terorista. Ang kanilang mga mahal sa buhay ay patuloy na umaasa na gagawa ang pamahalaan ng paraan para sila mailigtas. Ang anak ni Cleofe Montulo na si Jeizel ay naghihintay sa pagbabalik ng kanyang ina. Sabik na sabik na siya.

vuukle comment

ABU SABAYA

ABU SAYYAF

ABUS SAYYAF

ADLAM TILAO

CLEOFE MONTULO

DALAWANG

EMILY MANTIC

FLORIDA MONTULO

GERTRUDES TAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with