^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Panibagong pagbabanta ni Lina vs jueteng lord

-
NOONG nakaraang taon, sinabi ni Interior Sec. Jose Lina Jr. na ipapuputol niya ang kanyang ulo kapag hindi nasugpo ang jueteng sa loob ng isang taon. Matapang at sinisiguro ni Lina na masusugpo ang jueteng. Binuo niya ang Task Force Jericho na ang pangunahing tungkulin ay durugin ang illegal gambling sa bansa, partikular ang jueteng. Ang TF Jericho ay binubuo ng 104 miyembro na karamihan ay galing sa Philippine National Police (PNP).

Pagkalipas ng isang taon, hindi na binabanggit ni Lina ang tungkol sa pagpapaputol ng ulo. Sa halip, ang pag-disband sa TF Jericho ang kanyang inihayag noong Huwebes. Papalitan aniya ito ng isang task force na magko-concentrate rin sa anti-illegal gambling operations sa bansa. Tinitiyak niya na malakas at mas epektibo ang ipapalit na grupo. Mas magiging matindi ang kampanya ng gobyerno laban sa illegal gambling sa bansa lalo na nga ang jueteng.

Wala na nga ang pangako ni Lina na ipapuputol ang ulo at sa halip, ang pagbuo ng bagong task force ang kanyang pinagtutuunan ng pansin. Kakatwang bubuwagin niya ang task force na ayon na rin sa kanya ay nakasakote nang maraming jueteng personnel – umaabot ng 6,000 at nakakumpiska ng P1 milyon cash bets. Bakit bubuwagin kung ayon sa kanila ay napakinabangan sa paglaban sa jueteng?

Ayaw aminin ni Lina, subalit ang katotohanan, palpak ang kampanya niya sa illegal gambling particular nga sa jueteng. Sa halip na madurog ay lalo lamang kumapal at patuloy na namayagpag ang mga jueteng lord. Sa kanyang probinsiya na lamang (taga-Laguna si Lina) ay hindi niya masugpo ang jueteng. Talamak ang jueteng sa San Pedro, San Pablo, Sta. Cruz, Nagcarlan at napakaraming bayan sa Laguna. Kinilala ng naarestong bet collector ang gambling lord na si Nora de Leon na nag-ooperate sa probinsiya ni Lina. Parang kanser nang kumalat.

Si Lina mismo ang nagbulgar noong nakaraang taon na may 44 gambling lord sa buong bansa. Bakit ni isa ay wala siyang malambat na jueteng lord. Tanging si Ngongo Caluag ng Pampanga ang kaisa-isang ipinagmamalaki ng TF Jericho na nalambat. Karamihan sa mga nahuli ay mga mananaya, kabo at maliliit na kolektor.

Ngayo’y panibagong grupo na naman ang itinatatag ni Lina at mas mabagsik ang kanyang pagbabanta. Subalit kataka-taka namang hindi na niya binabanggit ang pagpapaputol ng ulo, gaya ng sinabi niya noong nakaraang taon. Sana nga’y totoo na ang pagbabanta at ang bubuuin niyang grupo ay makadadakma na ng big time jueteng lord. Kung hindi, pagtawanan na lamang ang lalaking magpapaputol ng ulo.

vuukle comment

BAKIT

INTERIOR SEC

JOSE LINA JR.

JUETENG

LINA

NGONGO CALUAG

NIYA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SAN PABLO

SAN PEDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with