^

PSN Opinyon

Kahulugan sa paggamit ng panyo

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen.Juan M. Flavier -
MARAMI pa akong natutuhan sa nayon at kabilang dito ang kahulugan sa paggamit ng panyo.

Narito at basahin ninyo.

• Ihaplos ang panyo sa labi
– gusto kong makipagsulatan.

• Ihaplos sa mata
– ako ay nalulungkot.

• Ihaplos sa kaliwang kamay
– Kinapupootan kita.

• Ihaplos sa mukha
– gusto kong makipagkaibigan.

• Ihaplos sa dalawang pisngi
– iniibig kita.

• Ihaplos sa kaliwang pisngi
– hindi

Ihaplos sa kanang pisngi – oo

• Ihaplos ang panyo sa balikat
– sundan mo ako sa aking paroroonan.

• Ihaplos sa dalawang mata
– wala kang kaawa-awa sa akin.

• Itupi ang panyo
– gusto kong makipag-usap sa iyo.

• Pilipitin mo ang panyo sa pamamagitan ng dalawang kamay
– pawalang halaga sa isang bagay.

• Pilipitin sa kaliwang kamay
– ayaw kong makialam sa iyo.

• Pilipitin sa kanang kamay
– mayroon akong ibang napupusuan.

• Ibuhol sa hintuturo
– mayroon na akong kasintahan.

• Ibuhol sa palasingsingan
– ako ay mayroon ng asawa.

vuukle comment

AKO

IBUHOL

IHAPLOS

ITUPI

KAMAY

KINAPUPOOTAN

KONG

NARITO

PANYO

PILIPITIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with