^

PSN Opinyon

Reklamo sa nabiling townhouse unit

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
KASO ito ni Gerry na bumili ng isang townhouse mula sa FRC Realty. Ayon sa bilihan, magbabayad si Gerry ng buwanang hulugan (installment) na P9,304.00 sa loob ng 48 buwan. Kaya, nag-isyu si Gerry ng 48 na postdated na mga tseke at nagsimulang tumira sa nabiling unit.

Napansin ni Gerry na hindi pa kumpleto at marami ang depekto ng nabiling unit. Nagreklamo siya sa FRC subalit hindi siya pinansin nito. Kaya napilitan siyang magpadala ng dalawang notaryadong abiso kung saan ihihinto niya ang pagbabayad ng hulog dahil hindi ito sumunod sa HLURB batay sa Presidential Decree 957. Nagsampa rin si Gerry ng reklamo sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) kasama ang 14 pang nakabili ng unit.

Natuklasan ng HLURB na hindi kumpleto ang proyektong townhouse kaya iniutos nito sa FRC na tapusin ito. Habang dinidinig ang kaso at kahit na may notaryadong abiso, ipinagpatuloy pa rin ng FRC na ipalit sa banko ang mga inisyung tseke ni Gerry. Pinatigil ni Gerry sa banko ang pagpapalit ng FRC at iminungkahi sa kanya na isara na lamang niya ang kanyang checking account na may balanse na P150,000.00 At dahil tumalbog ang mga tsekeng hawak ng FRC, kinasuhan nito sa Gerry ng paglabag ng Bouncing Checks Law. Nahatulan si Gerry at nasentensiyahan ng 30 araw bawat kaso ng tsekeng tumalbog. Ayon sa CA, hindi maaaring maging basehan ni Gerry ang PD 957, upang isarado ang kanyang checking account at magpadala ng notaryadong abiso para itigil ang pagbabayad ng kanyang obligasyon. Tama ba ang CA?

Mali.
Sa kasong ito, hindi napatunayan ang mga elemento ng BP 22. Nang mag-isyu si Gerry ng mga tseke, may sapat siyang pondo na P150,000.00. Tumalbog ang tseke na ipinapalit ng FRC dahil ipinasarado ni Gerry ang kanyang account base sa report ng HLURB na lumabag ang FRC sa PD 957.

Ayon din sa artikulo 11 (5) ng Kodigo Penal, may karapatan at sapat na dahilan si Gerry na ipasarado ang kanyang checking account kaya wala siyang magiging kriminal na pananagutan. Ang kanyang karapatan bilang nakabili ng unit ayon sa PD 957 ay sapat na depensa sa mga kasong isinampa sa kanya. Kaya, si Gerry ay napawalang-sala (SyCip, Jr. vs. Court of Appeals 328 SCRA 447).

vuukle comment

AYON

BOUNCING CHECKS LAW

COURT OF APPEALS

FRC

GERRY

HABANG

HOUSING AND LAND USE REGULATORY BOARD

KAYA

KODIGO PENAL

PRESIDENTIAL DECREE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with