Bakit nagpagaling si Jesus sa Sabbath?
April 2, 2003 | 12:00am
SA Ebanghelyo ni Juan (Jn. 5:17-30) maagang nakipagtalo si Jesus sa mga Judio. Basahin kung bakit.
"Kayat sinabi sa kanila ni Jesus, Ang aking Amay patuloy sa paggawa, at gayon din ako. Lalong pinagsikapan ng mga Judio na patayin siya, sapagkat nilabag na niya ang batas tungkol sa Araw ng Pamamahinga ay sinasabi pa niyang ang Diyos ang kanyang Ama, at sa gayoy ipinapantay ang sarili sa Diyos.
"Kayat sinabi sa kanila ni Jesus, Dapat ninyong malaman na walang ginagawa ang Anak sa kanyang sarili lamang; ang ginagawa lamang niyay ang nakikita niyang ginagawa ng Ama. Ang ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak. Sapagkat minamahal ng Ama ang Anak, at ipinakikita sa Anak ang lahat ng ginagawa niya. At higit pa sa mga ito ang mga gawang ipakikita sa kanya ng Ama at manggigilalas kayo. Kung paanong binubuhay ng Ama ang mga patay, gayon din naman, bubuhayin ng Anak ang sinumang nais niyang buhayin. Hindi humahatol kaninuman ang Ama. Ibinigay niya sa Anak ang buong kapangyarihang humatol upang parangalan ng lahat ang Anak, tulad ng kanilang pagpaparangal sa Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Amang nagsugo sa Anak.
"Sinasabi ko sa inyo: Ang nakikinig sa aking salita at nananalig sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan kundi inilipat na sa buhay mula sa kamatayan. Tandaan ninyo: Darating ang panahon - ngayon na nga - na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos at ang makinig sa kanya ay mabubuhay. Ang Ama ang may kapangyarihang magbigay-buhay at ang Anak ay binigyan niya ng kapangyarihang magbigay-buhay. Binigyan din siya ng kapangyarihang humatol sapagkat siya ang Anak ng Tao. Huwag ninyo itong pagtakhan, sapagkat darating ang oras na maririnig ng mga patay ang kanyang tinig. Silay muling mabubuhay at lalabas sa kinalilibingan nila. Lahat ng gumawa ng mabuti ay pagkakalooban ng buhay na walang hanggan at lahat ng masama ay parurusahan.
"Wala akong ginagawa sa sarili ko lamang. Humahatol ako ayon sa sinasabi sa akin ng Ama, kayat matuwid ang hatol ko; hindi ang sarili kong kalooban ang aking sinusunod kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin."
Ang dahilan kung bakit nagpapagaling si Jesus sa Sabbath o Araw ng Pamamahinga ay sapagkat ang Ama ay gumagawa sa Sabbath. Bagamat ang mga tao ay di-dapat magtrabaho o gumawa sa Sabbath, ang Ama ay gumagawa sa Sabbath.
May mga taong ipinapanganak sa Sabbath. Ito ay gawa ng Ama. May mga tao ring namamatay kung Sabbath. Gawa rin ito ng Ama. Kung kayat si Jesus ay nagpapagaling din sa Sabbath.
Dito, nakikita rin ng mga Judio ang mas malaki pang pagkakasala ni Jesus. Ginagawa niyang kapantay ang sarili sa Ama. Ito ay kalapastanganan, para sa mga Judio. Tinatawag ni Jesus na kanyang Ama ang Diyos. At ang Ama ay nagbigay sa Anak ng kapangyarihang pagharian ang buhay at kamatayan.
Kung kayat sa mga Judio, malinaw na si Jesus ay nagkakasala - ang paglabag sa Kautusan tungkol sa Sabbath at pagpapalagay sa kanyang sarili bilang kapantay ng Diyos.
Ang mga ito ang dahilan kung bakit binalak ng mga Judio na patayin si Jesus. At hindi sila titigil hanggat di-naipapako si Jesus sa krus. Ito ang halagang pagbabayaran dahilan sa kanyang pagsasabi ng katotohanan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest