Mayor nakabuntis ng katulong, hindi nagbibigay ng sustento sa anak

ALAM n’yo bang nagrereklamo ngayon ang isang dating katulong dahil hindi na nagbibigay ng sustento si Mayor sa kanilang anak?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Coach Vip Isada ng Honda Media Challenge; Ferdie Baja, Fiscal Felix Reyes ng Pasay City; Atty. Rusty Vigilia ng NBI; Atty. Eulyses Sevilla, Teban Dionisio at Intot Belarmino.
* * *
Alam n’yo bang nagrereklamo ngayon ang isang dating katulong dahil itinigil ng isang mayor ang sustento sa kanilang anak?

Ayon sa aking bubuwit, ang katulong ay nagtrabaho pala kay mayor noong ito ay opisyal pa siya ng DPWH. Dahil may hitsura ang nasabing katulong, nagka-interes si Mayor at ito ay ginahasa.

Ayon sa aking bubuwit, dahil sa pang-aabuso ni Mayor sa katulong, nagbunga ang kanyang kamanyakan. Nabuntis at nanganak ang nasabing katulong.

Magsasampa sana ng kasong rape ang mga magulang ng menor de edad na katulong subalit hindi natuloy. Inareglo ni Mayor ang mga magulang ng bata. Hindi malaman kung magkano ang ibinayad ng mayor sa pamilya ng katulong para tumahimik.

At bilang isa sa mga kasunduan ng hindi pagsasampa ng kasong rape, kailangang sustentuhan ni Mayor ang bata.

Ayon sa aking bubuwit, sumunod naman sa kasunduan si Mayor subalit ngayon ay biglang itinigil.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, kung kailan malapit nang magtapos sa high school ang bata ay saka itinigil ni Mayor ang pagbibigay ng sustento.

Ayon sa aking bubuwit, ang mayor na gumahasa at nakabuntis ng kanilang katulong ay walang iba kundi si mayor…

Siya ay mayor ng isang bayan sa Southern Tagalog. Siya ay walang iba kundi si Mayor T. as in Mayor Tulis ng Quezon province.

Show comments