Buwagin na ang United Nations
March 24, 2003 | 12:00am
SA RADYOT telebisyon, naririnig pa rin ang mga survey kung pabor ba o hindi ang taumbayan sa digmaang inilunsad ng Amerika at Britanya laban sa Iraq. May mga panayam pa rin sa mga sektor na tumututol sa naturang digmaan. Nakakakulili na ng tenga.
Tutol din ako sa digmaan. Pero naririyan na iyan. Tumutol man tayot maghihilata sa kalsada sa kapo-protesta, wala tayong magagawa.
Kung ang nagkakaisang tinig ng United Nations ay binalewala ni George Bush, tayo pa kayang ordinaryong mortal? Isang bagay ang pinatunayan ng Amerika. Superpower nga ito.
At kapag "Superpower" ang nagdesisyon, walang makababali. Ang sabi ni Prime Minister Mahathir ng Malaysia, "No single nation should try to please the world."
Iyan mismo ang tingin ng Amerika sa ginagawa nitong pagdurog sa Iraq: Na pinangangalagaan niya at ipinaglalaban ang interes ng lahat ng bansa.
Yaman din lamang na kahit ang liga ng mga nasyon ay kayang salungatin ng isang bansa, dapat siguroy lansagin na ang United Nations. Inutil na ito.
We can clearly see that America is adhering to the philosophy of mightism. Might is right ayon sa pilosopiyang ito. Kahit sa tingin ng maramiy imoral ang hakbang, itoy tama at matuwid bastat ang ipinaglalaban ay ang lakas ng kapangyarihan.
Ano nga bang layon ng kasalukuyang administrasyon ng Amerika? Langis? Ipakita ang di malulupig na kapangyarihan nito? Kung hindi si George Bush ang Presidente ngayon, mangyayari kaya ang digmaang ito?
Mamamaos lang tayo sa kapo-protesta. Mabubugbog lang ang katawan natin sa hataw ng mga anti-riot police, hindi natin masasawata si Bush at mga kaalyado nito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended