^

PSN Opinyon

Serpentina, mabisang halamang gamot

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
NAPATUNAYAN na gamot sa maraming sakit ang serpentina na may scientific na robecia serpentina. Ang halamang ito ay mula sa India. Ito ang gamot sa mga nakagat ng ahas at aso, bulutong, sakit sa tiyan, pagsusuka, ubo, epilepsy at matinding pananakit ng ulo.

Lunas din ito sa mga babaeng namomroblema sa kanilang pagreregla. Mabisa din itong gamot sa lagnat, rayuma, insomnia at diabetes. Gamot din ito sa eksema, fungal infection at iba pang sakit sa balat kabilang na ang psoriasis. Taglay din nito ang sangkap na panlunas sa bukol sa suso at cancer of the uterus.

Ang dahon ng serpentina ay parang sili, pero mas makintab, may sukat na mula dalawa hanggang tatlong pulgada, may tulis sa dulo at berdeng-berde ang kulay. Ang bulaklak ay maliit na kulay puti. Itinatanim ito sa bakuran at mas lumalago sa malilim na lugar.

Isang kakilala ang nagpatunay na mainam ang serpentina sa pagpapababa ng blood pressure. Isang diabetic ang nagpatotoo na sa pag-inom niya ng sabaw ng nilagang dahon ng serpentina ay bumaba ang blood sugar niya.

Naalaala ko pa na noong pumutok ang Mount Pinatubo at nag-out-reach program kami sa Pampanga ay marami kaming nakaengkwentrong may skin diseases. Isang kasamahang social worker ang nagsabi na ang mga sakit sa balat ng evacuees ay pagagalingin ng serpentina. Tinawag niya ang isang kasama niya na nagsabi na epektibong gamot sa galis at iba pang skin diseases ang serpentina.

GAMOT

ISANG

ITINATANIM

MABISA

MOUNT PINATUBO

NAALAALA

PAMPANGA

SERPENTINA

TAGLAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with