^

PSN Opinyon

Iligtas ang Kennon Road

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
TAG-ARAW na naman at para maiwasan ang matinding init marami ang nagtutungo sa mga lalawigan at sa iba’t ibang tourist spots. Dagsa ang mga bakasyonista sa Baguio ngayong summer. Kaugnay ng pag-akyat sa Pines City, pinaaalalahanan na maging maingat sa pagmamaneho lalo na sa Kennon Road.

Maraming beses na tinalakay ng BANTAY KAPWA ang problema ng unti-unting nawawasak na Banaue Rice Terraces at nagbunga ang mga nalathala sa pitak na ito para mailigtas ang nabanggit na one of the wonders of the world. Ito’y sa magkasanib na puwersa ni President Gloria Macapagal-Arroyo at mga opisyales ng Mt. Province.

Sa puntong ito pinapanawagan naman ng BANTAY KAPWA na dapat na kumpunihing mabuti ang Kennon Road para maiwasan ang aksidente. Matatandaan na malaki ang naging pinsala sa Kennon Road ng lindol noong 1990 na marami ang namatay na nagresulta ng sobrang pinsala ng mga pagguho ng lupa sa Kennon Road.

Isa pa pinakapamosong Zigzag road sa mundo ang Kennon Road na tinagurian ding isa sa mga engineering feat noong early 1900. Sinimulan ang konstruksyon ng 20 kilometrong daan noong 1903 at natapos ito noong 1905. Umaabot sa 400,000 trabahador ang gumawa sa kalsada na karamihan ay mga Japanese. Maraming buhay ang nalagas habang ginagawa ang Kennon Road na ayon sa mga taga Mt. Province ay maraming kaluluwa ang hanggang sa ngayon ay hindi matatahimik, kaugnay ng konstruksiyon ng Kennon Road.
* * *
Nais kong batiin ang Pilipino Star NGAYON sa ika-17 anibersaryo bukas. Happy anniversary mula sa Bantay Kapwa.

BANAUE RICE TERRACES

BANTAY KAPWA

KENNON

KENNON ROAD

MARAMING

MT. PROVINCE

PILIPINO STAR

PINES CITY

ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with