EDITORYAL Maging alerto sa lahat ng oras
March 8, 2003 | 12:00am
KAILANGAN munang may mamatay saka magiging alerto at magbabantay. Ganyan ang mga awtoridad. Pagkaraang sumabog ang isang bomba sa waiting lounge ng Davao International Airport noong Martes, naging mahigpit na ang mga awtoridad. Rekisa rito, rekisa roon ang ginagawa sa mga taong papasok sa mga mall, sinehan, LRT at MRT.
Nang magkaroon ng pambobomba noong December 30, 2000 na pumatay sa mahigit 100 katao, naging maigting ang paghihigpit. Lahat ay iniinspeksiyon. Mahirap makalusot sa mga pulis at guwardiya ang sinumang magtatangkang magtatanim ng bomba. Binomba noon ang LRT Blumentritt Station, ganoon din ang isang bus habang tumatakbo sa EDSA, isinunod ang isang five star hotel sa Makati City, at magkasunod na nagpasabog sa Ninoy Aquino International Airport at maging ang American Embassy sa Maynila ay pinasabugan. Pero pagkalipas ng ilang linggo, biglang nawala ang paghihigpit.
Nang maulit ang pambobomba noong October 2002 sa isang bus habang tumatakbo sa EDSA ay muling nagkaroon ng paghihigpit. Tatlo katao ang namatay makaraang bombahin ang Golden Highway Transit at maraming pasahero ang nasugatan. Ang bunga ng pambobomba: Bago na namang paghihigpit. Ikinalat na naman ang mga pulis at sundalo sa kalsada. Pero makalipas lamang ang ilang araw, balik na naman sa kaluwagan.
Ganito na naman ang nangyayari sa kasalukuyan. Ibayong paghihigpit at pagbabantay ang ginagawa ng mga pulis sa mga mall, LRT at MRT, bus station, NAIA at marami pang iba dahil sa nangyaring pambobomba sa Davao na ikinamatay ng 21 katao at mahigit 150 ang grabeng nasugatan na karamihan ay mga inosenteng bata.
Inako ng mga teroristang Abu Sayyaf ang pagpapasabog. Hindi raw nila intensiyong pumatay. Nagkamali raw sila sa target. Humihingi raw sila ng paumanhin. Kakatwa ang kanilang pahayag sapagkat hindi raw nila intensiyong pumatay. Bakit sangkatutak na bomba ang dala ng lalaki sa waiting shed?
Sinabi naman ng Department of National Defense, na Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang may kagagawan ng pambobomba. Ke Abu Sayyaf o MILF, ang may gawa ng pambobomba, pareho lamang silang "uhaw sa dugo" ng kanilang kapwa.
Ang pagiging alerto ng mamamayan ang nararapat mangibabaw sa pagkakataong ito. Maging mapagmanman sa lahat ng oras. Hindi rin dapat iasa lahat sa military kung paano maliligtas. Pagkakaisa ang mabisang panlaban sa terorismo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest