^

PSN Opinyon

Bilang na ang araw ng mga 'kotong cops'

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
MALAPIT nang matapos ang pamamayagpag ng mga tiwaling pulis na mas popular sa bansag na ‘‘Kotong Cops". Low profile muna sila sa pangongotong ngayon matapos ang ultimatum ni President Gloria Macapagal-Arroyo laban sa kanila. Isang Task Force ang binuo laban sa mga ‘‘kotong cops’’ sa pamumuno ni Metro police chief Reynaldo Velasco.

Binigyan ni GMA ng deadline ang task force para masupil ang mga ‘‘lintang pulis’’ sa Kamaynilaan. Talamak ang operasyon ng mga ‘‘kotong cops.’’ Malimit na binibiktima nila ay mga driver ng dyip, bus, FX at mga taksi at pati na mga motorista. Dumidelihensiya rin sila sa mga gambling operators at maging sa mga side walk vendors. Noong una’y tagung-tago at disimulado ang kotongan pero ngayon ay hayagan na at hindi nahihiya ang mga ‘‘buwayang’’ pulis.

Bagamat hindi lahat ng pulis ay nangongotong, nadadamay din iyong mga tapat o mabubuti. Malaking batik sa kapulisan ang mga ‘‘kotong cops’’ kaya sinabi ni GMA na kapag mahuli sila ay hindi patatawarin.

Hindi lamang sususpendihin kundi tuluyan nang tatanggalin at kakasuhan. Binigyan-diin ni GMA na ang batas ay batas at no one is above the law. Sa pangyayaring ito muling kakailanganin ang ‘‘political will’’ laban sa mga ‘‘kotong cops.’’

BAGAMAT

BINIGYAN

DUMIDELIHENSIYA

ISANG TASK FORCE

KAMAYNILAAN

KOTONG COPS

MALAKING

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

REYNALDO VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with