Kasong may kinalaman sa estafa
February 27, 2003 | 12:00am
NEGOSYO ni Mila ang mag-deliver ng mga office supplies, construction materials at mga signal at communications spare parts sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Nang magkaproblema si Mila sa pera, napilitan siyang mangutang sa pinsan niyang si Rudy at asawa nitong si Nita, upang maipagpatuloy ang negosyo nito sa AFP. Pumayag ang mag-asawa dahil maganda naman ang reputasyon ni Mila sa pera.
Noong Mayo 12, 14 at 25, ibinigay ng mag-asawa ang P150,000, P309,000, P396,000 o ang kabuuang halaga na P855,000. Hiniling ng mag-asawa na mag-isyu si Mila ng tseke na siyang gagarantiya na may kakayahan itong makabayad. Kaya nag-isyu si Mila ng limang postdated checks na magtatagal ng 30 hanggang 60 na araw.
Nang iharap na ang mga tseke sa nakatakdang petsa ng pagbabayad, hindi ito kinilala dahil kulang ang pondo o sarado na ang account nito. Dahil sa nangyari, nagpadala ng sulat-demanda ang mag-asawa kay Mila upang mapalitan nito ang mga tseke subalit P425,000 lamang ang na-ideposito ni Mila sa banko ng mag-asawa.
Gayon pa man, idenemanda pa rin ng mag-asawa si Mila ng estafa sa ilalim ng Artikulo 315 sec. 2 (d) ng Kodigo Penal. Iginiit nilang dahil sa pandaraya at pagsisinungaling ni Mila, nagbigay sila rito ng pera, at dahil kusa at labag sa batas itong nag-isyu ng mga tseke ng walang pondo o kayay sarado na ang account. Tama ba ang mag-asawa?
Mali. Ang transaksyon sa pagitan nina Mila at ng mag-asawang Rudy at Nita ay isang pagpapautang ng pera upang gamitin ni Mila sa negosyo. Ayon sa batas, walang kriminal na pananagutan ang pag-iisyu ng postdated checks kung ang layunin nito ay maggarantiya ng pagbabayad sa inutang, kaya wala itong elemento ng pandaraya. Sa kasong ito, nag-isyu si Mila upang igarantiya niya sa mag-asawa na may kakayahan siyang magbayad at hindi upang dayain ang mga ito.
Ang akto ng pag-iisyu ng postdated checks bilang bayad sa obligasyon ay isang estafa batay sa Art. 315 sec. 2 (d) ng Kodigo Penal kung ang tanging dahilan ng pag-iisyu nito ay upang mandaya, at kung saan ang tseke ay inisyu bago o kasabay ng nasabing pandaraya. Kinakailangan din na ang nandaya ay nakakuha ng pera o ari-arian mula sa biktima dahil sa inisyung tseke, postdated man o hindi. Sa kasong ito, ang inisyung tseke ni Mila ay garantiya ng bayad at hindi ang tanging dahilan kung bakit nakatanggap siya ng pera mula sa mag-asawa.
Kaya si Mila ay walang sala ng estafa subalit kailangan niyang bayaran ang balanseng P430,000 sa inutang na may 12 percent interes simula nang ito ay hiniling sa kanya ayon sa Art. 1169 ng Kodigo Sibil (People vs. Cuyugan, G. R. 146641-43 November 18, 2002).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended