Metro Manila mayor napiktyuran habang nakikipagromansa sa GRO
February 27, 2003 | 12:00am
ALAM nyo bang nakunan ng retrato ang isang mayor sa Metro Manila habang nakikipagromansahan sa mga GRO.
Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Reynaldo Andrin Sr., Odie Cabral, Kariz Mikaela Serrano, Ian Jonathan Villasanta, Sis Carmelli Batoon at Nancy Quejanco ng Grand Lodge of the Philippines.
Alam nyo bang mahilig pala sa GRO sa mga maliliit na beerhouse ang isang mayor sa Metro Manila?
Ayon sa aking bubuwit, mas gusto niya ang mga maliliit na mga beerhouse kaysa sa mga sikat na night club sapagkat kakaunti lamang ang mga customer doon.
Merong isang beerhouse na suki si Mayor. Ito ay beerhouse sa kanyang bayan, siguro libre siya roon.
Meron siyang alagang boy sa nasabing beerhouse at ito ang tumatawag sa kanya kapag meron silang bagong GRO. Kapag nagpupunta roon si Mayor, sa VIP room siya.
Ayon sa aking bubuwit, lihim sa kaalaman ni Mayor ay pinasubaybayan pala siya ng kanyang super selosang misis.
Akalain nyo ba naman na ang nakuha niyang espiya ay yung boy sa beerhouse na contact ni Mayor. Walang kamalay-malay si Mayor, kapag nagpupunta sa beerhouse at karomansahan ang mga GRO, kinukunan siya ng retrato.
Ayon sa aking bubuwit, nang makakuha ng ebidensiya si Misis, sinita niya si Mayor. Noong una ay tumatanggi si Mayor. Sagad to the bones ang kanyang denial. Pero nang ilabas ni Misis ang mga retrato ni Mayor na karomansahan ang mga GRO, hindi siya nakapalag.
Giyera patani ang nangyari sa bahay ni Mayor. Super tapang pala ang kanyang kumander.
Dahil nabuking, hinanting ni Mayor yung boy sa beerhouse. Pero hindi niya natagpuan sapagkat nag-resign na pala ito nang mabuking ang pakikipagsabwatan sa misis.
Ayon sa aking bubuwit, minsan ay nagsabong si Mayor sa Las Piñas Cockpit, nakita niya yung boy na nagtraydor sa kanya.
Sa galit niya sa boy ay pinagsasampal, pinagkukutusan at pinagsusuntok!
Hindi naman makapalag yung boy sapagkat alam niyang meron siyang atraso kay Mayor. At nakabantay pa ang mga bodyguards niya.
Ang mayor sa Metro Manila na nakunan ng retrato habang nakikipagromansahan sa mga GRO sa isang maliit na beerhouse ay walang iba kundi si Mayor A. as in Aliw.
Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Reynaldo Andrin Sr., Odie Cabral, Kariz Mikaela Serrano, Ian Jonathan Villasanta, Sis Carmelli Batoon at Nancy Quejanco ng Grand Lodge of the Philippines.
Ayon sa aking bubuwit, mas gusto niya ang mga maliliit na mga beerhouse kaysa sa mga sikat na night club sapagkat kakaunti lamang ang mga customer doon.
Merong isang beerhouse na suki si Mayor. Ito ay beerhouse sa kanyang bayan, siguro libre siya roon.
Meron siyang alagang boy sa nasabing beerhouse at ito ang tumatawag sa kanya kapag meron silang bagong GRO. Kapag nagpupunta roon si Mayor, sa VIP room siya.
Akalain nyo ba naman na ang nakuha niyang espiya ay yung boy sa beerhouse na contact ni Mayor. Walang kamalay-malay si Mayor, kapag nagpupunta sa beerhouse at karomansahan ang mga GRO, kinukunan siya ng retrato.
Giyera patani ang nangyari sa bahay ni Mayor. Super tapang pala ang kanyang kumander.
Dahil nabuking, hinanting ni Mayor yung boy sa beerhouse. Pero hindi niya natagpuan sapagkat nag-resign na pala ito nang mabuking ang pakikipagsabwatan sa misis.
Sa galit niya sa boy ay pinagsasampal, pinagkukutusan at pinagsusuntok!
Hindi naman makapalag yung boy sapagkat alam niyang meron siyang atraso kay Mayor. At nakabantay pa ang mga bodyguards niya.
Ang mayor sa Metro Manila na nakunan ng retrato habang nakikipagromansahan sa mga GRO sa isang maliit na beerhouse ay walang iba kundi si Mayor A. as in Aliw.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest