^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Magkaroon sana ng aral ang NBI

-
NABATIKAN ang imahen ng National Bureau of Investigation (NBI) noong August 2, 2002 nang sa harap ni President Gloria Macapagal-Arroyo ay iturong suspect ang "whistle blower" sa P431-million tax scam. Ang nagturo sa "whistle blower" ay walang iba kundi si NBI Director Reynaldo Wycoco. Ang kanyang itinurong suspect sa scam ay si Acsa Ramirez, cashier sa Land Bank of the Philippines, Binangonan Branch. Parang sinakluban ng langit si Ramirez nang sa halip papurihan dahil sa ginawa niyang pagbubulgar sa tax scam, siya pa ang tinuro ni Wycoco. Napanood sa TV ang pangyayari.

Pero ang pagkapahiyang iyon ay biglang nalimutan ni Ramirez makaraang linisin ng Ombudsman ang kanyang pangalan. Sa 25-page resolution na inaprubahan ni Overall Deputy Ombudsman Margarito Gervasio Jr., nakasaad na hindi maaaring sisihin si Ramirez sa money laundering incident sapagkat nangyari ito isang taon bago pa siya naging cashier ng Land Bank. Ang suspicious account ay binuksan sa panahong ang cashier ay si Ramon Joven. Inireport ni Ramirez ang tax-diversion scam. Kasamang nilinis ng Ombudsman si LBP Branch Manager Artemio San Juan. Sabi ni Ramirez makaraang lumabas ang desisyon ng Ombudsman, "Pinasasalamatan ko ang Diyos dahil binigyan niya ako ng lakas na makaya ang lahat." Naniniwala rin umano siyang may hustisya sa bansa. Sinabi naman ng kanyang abogadong si Atty. Virginia Pinlac na hindi sila magde-demand ng apology kay Wycoco.

Mayroon pa ring justice sa bansang ito, ayon kay Ramirez. Kahit na dumanas siya ng pagkapahiya sa halip na papuri mula sa NBI, naniniwala siyang mananaig ang kabutihan kaysa kasamaan. Sa nangyari kay Ramirez, bakasakaling magkaroon din ng lakas ng loob ang iba pa na ibulgar ang mga katiwaliang nangyayari sa kanilang tanggapan, lalo pa sa pamahalaan. Laganap ang katiwalian. Mahahaba na ang sungay ng mga opisyal at empleado. Hindi lamang sa mga banko na tulad ng Land Bank nangyayari ang ganito kundi maging sa mga ahensiya ng gobyerno. Gaano karami ang mga corrupt sa Bureau of Customs, Bureau of Immigration, Burau of Internal Revenue, Department of Public Works and Highways at maraming iba pa. Patuloy ang katiwalian sapagkat walang malakas ang loob na magsumbong.

Lumantad si Ramirez subalit masaklap naman ang dinanas sa kamay ng NBI. Paano maaakit ang iba pa na magbulgar ng katiwalian kung sa halip na purihin ay "hihiyain"? Magkaroon na sana ng aral ang NBI na mag-imbestiga muna saka magturo nang magturo.

ACSA RAMIREZ

BINANGONAN BRANCH

BRANCH MANAGER ARTEMIO SAN JUAN

BURAU OF INTERNAL REVENUE

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF IMMIGRATION

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

LAND BANK

RAMIREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with