Noong panahon ni dating BOC Commissioner Willy Parayno, hindi umubra sa kanya ang mga kapritso ng pulitiko para lamang ilagay sa mga magagandang posisyon ang kanilang mga aso. Hindi uubra kay Willy ang political pressure. Trabaho lang ang sa kanya kaya nga nabansagan itong "Panay-no" noon.
Si Willy lang sa pakiramdam ng mga kuwago ng ORA MISMO ang may balls na naging bossing ng bureau, wala kasi itong pakialam sa mga kung sinu-sinong gagong tumatawag sa kanya para humingi ng pabor. Puro no, no, ang sagot nito lalot may katarantaduhang gagawin.
Isa pa sa mga kinabibilangan ng mga kuwago ng ORA MISMO ay si dating Deputy Commissioner Luciano Millan Jr. Hindi rin siya natangay ni Ninoy (P500) porke ang kanya ay trabaho lang.
Kapag may ebidensiya laban sa mga gago na taga-Customs, kahit sino ka hindi ka sasantuhin ni Millan bastat gumawa ka ng kawalanghiyaan sa aduana. Ipa-flush ka nito sa inidoro na parang etat oras na mabuking ang mga illegal transaction mo sa BOC.
Ang tanong sa bureau nitong mga nakaraang mga araw ay hindi "who you are kundi whom you know".
"Matindi pala sa Customs ngayon basta may backer kang pulitiko, tiyak maganda ang puwesto mo." sabi ng kuwagong tiktik kalawang.
"Paano maiiwasan ang ganitong sistema?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Cancer na ito. Mahirap nang magamot," sagot ng kuwagong Kotong cop.
"Ano ang magandang gawin?"
"Sumipsip sa mga pulitiko para tayo naman ang makakain ng masarap?"
"Sa palagay ko tama ka diyan, kamote, he-he-he!"