Mga kasabihan sa nayon
February 13, 2003 | 12:00am
MARAMING mga kasabihan sa nayon na ginagamit araw-araw. Dahil taga-siyudad ako ay nagkainteres akong alamin ang mga kasabihan. Ang ilan ay hindi ko nauunawaan kaya nagtanong sa mga nakakatanda. Narito ang mga halimbawa.
• Kabagang — tawag sa magkakampi.
• May bara ang ilong — masama ang pakitungo sa kanyang kapwa.
• Basa ang papel — masama ang rekord.
• Nabasag ang banga — karaniwang patungkol sa babaing nasira ang puri.
• Hindi pantay ang bayag — tawag sa lalaki na mahirap pakisamahan o pakitunguhan.
• Bigting buwaya — tawag sa taong busog na busog sa pagkain.
• Bilang nang bilang, walang binibilang — tawag sa taong binibilang na ang sisiw kahit hindi pa napipisa ang mga itlog.
• Amoy kahoy — tawag sa taong mapagpabaya.
• Mabaho ang utak — taong may nakatagong kasamaan.
• Kaliskis buwaya — tawag sa ulap na tulad sa balat ng buwaya.
• Bantay bukid — mapagpabayang guwardiya.
• Mang-aso — mandaya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
April 28, 2025 - 12:00am