Maraming gamit ang sampalok
February 6, 2003 | 12:00am
PARA kay Mang Atan ang pinakamahusay na puno ay ang sampalok. Sa nayon ay siya ang may pinamakataas at pinakamalaking puno ng sampalok. Ayon sa kanya 75 taon na ang puno. Napakalaki at dalawang tao ang kailangan para yakapin ang puno.
Ang puno ng sampalok ay mayabong at magandang lilim ng mga tao. Lahat ng bahagi ay may gamit. Puwedeng gamot at iba pa. Mula sa ugat hanggang sa dahon. Lalo na ang bunga para pang-asim sa sinigang, sabi ni Mang Atan.
Talaga palang maraming gamit ang sampalok, sabi ko.
Isang araw, may magsasakang dumating sa aking bahay. May regalo siya sa aking tadtaran.
Saan gawa ito?" tanong ko.
Sa punong sampalok Doktor.
"Pinutol mo ang puno ng sampalok para gumawa ng tadtaran? gulat kong tinanong sa magsasaka.
Hindi po. Bumagsak ang puno ng sampalok dahil sa bagyo. Kaya pumutol ako para sa inyo. Kasi kaharap ako nang mag-usap kayo ni Mang Atan noong isang linggo.
Ang ganda naman nitong tadtaran, papuri ko. Pero bakit mo pinili ang sampalok?
Kasi puti kaya maganda, sagot niya Maputi at kitang-kita ang pabilog sa guhit. Malambot kaya bumabaon ang kutsilyo pero matigas na hindi mabibiyak.
Sang-ayon ako sa magsasaka.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended