Paghahati-hati sa subdivision
February 2, 2003 | 12:00am
Dear Sec. Mike Defensor,
Nabasa ko ang inyong kolum tungkol sa mga katiwaliang maaring gawin ng isang Homeowners Association. Dito sa aming subdibisyon ay mayroong paghahati-hati ng mga miyembro dahil sa hindi pagkilala sa mga bagong opisyales ng aming asosasyon. Kinikilala pa rin daw ng karamihan ang dating opisyales ng aming asosasyon. Ano po ba ang aming gagawin para matapos na ang aming paghahati-hati dahil hindi na po ito nakatutulong sa mga residente ng aming subdibisyon? Myra ng Rizal
Maaari kayong magsampa ng pormal na reklamo sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) sa mga sumusunod na sitwasyon sa inyong asosasyon:
Pagkilala ng tunay na opisyales ng asosasyon.
Paglabag sa alituntunin ng asosasyon kagaya ng hindi pagdaos ng eleksyon.
Problema o paghahati-hati sa loob ng asosasyon tungkol sa implementasyon ng batas ng asosasyon.
Ang inyong reklamo ay kailangang VERIFIED Complaint. Kinakailangan itong panumpaan ng nagrereklamo na ito ay kanyang personal na ginawa at naniniwala siyang ang mga reklamo ay ginawa ng mga inaakusahan. Kailangan din ninyong magsumite ng draft decision tungkol sa inyong nireklamo. Kayat kailangan ninyo ng tulong ng isang abogado rito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest