^

PSN Opinyon

Usapang hayop

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
ANG mga hayop ay bahagi ng buhay sa kanayunan. Ito ang dahilan kaya maraming salita na inihahalintulad sa mga hayop. Ito ay maaaring tulad sa itsura o ugali. Kailangang maintindihan ito para masundan ang usapan sa nayon.

• Kambing – patungkol sa playboy o maraming nililigawan.

• Boses langgam – pabulong kung magsalita.

• Bitukang manok – paikut-ikut o makurba.

• Matang pusa – singkit na tao.

• Matang manok – bulag sa gabi o nahihirapang makakita sa gabi.

• Matang hito – kirat ang mata.

• Matang hipon – mga matang kulay asul.

• Buntot pusa – ang buhok sa batok ay parang buntot ng pusa.

• Buwayang lubog – tao na maraming sekreto o lihim.

• Kaliskisan – suriin ang asal ng isang tao.

• Babuyin – tawag kung wawalanghiyain.

• Kulasisi – kinakasama o kabit ng lalaki.

• Kiti-kiti – magaslaw kung kumilos.

BABUYIN

BITUKANG

BUNTOT

BUWAYANG

KAILANGANG

KALISKISAN

KAMBING

KITI

MATANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with