^

PSN Opinyon

Ligawan sa nayon

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
‘‘MAHIRAP pala ang ligawan dito sa baryo ano, Tata Baldo?’’

‘‘Bakit mo nasabi ’yan, Doktor?’’ tanong ni Tata Baldo.

‘‘Nakita ko kasi ang pagliligawan ng binata at dalaga sa sala ng aking kapitbahay,’’ sagot ko. ‘‘Kailangan pala na may lamesita sa pagitan nilang dalawa. Dapat din lantad sa bintana. Wala man lang pagka-pribado.’’

‘‘Talagang hindi binibigyan ng pribado. Lantad sa bintana para makita nang lahat na walang masamang nangyayari sa dalawa. Pinakikita sa lahat na may ligawang nangyayari pero tama ang lahat na ginagawa,’’ paliwanag ni Tata Baldo.

‘‘Mahirap pala at halos imposible,’’ sabi ko sa matanda.

‘‘Madali pa nga iyan. Nang panahon ko mas mahirap. Makita lang ang sakong ng babae ay malaking bagay. Hindi ito puwedeng hipuin ang kamay. Pag-nahalikan ang babae ay kasalan na. Kailangang itaas ang puri,’’ dagdag ng matanda.

‘‘Walang nangyayaring iba, Tata Baldo?’’

‘‘Sa ilalim ng lamesita ay may nangyayari,’’ sagot ni Tata Baldo.

‘‘Ibahagi mo Tata Baldo ang pangyayari sa ilalim ng lamesita.’’

‘‘Hindi iyong iniisip ninyo, Doktor. Nagkakaniig lang ang sapatos ng lalaki at tsinelas ng babae,’’ sagot ni Tata Baldo.

‘‘Iyon lang!’’ sigaw ko.

‘‘Mayroon pa sa ibabaw ng lamesita ay nagkakahipuan din ang mga kuko. Pag-inurong ng babae ay maghihintay ka. Kung hindi iginalaw, ibig sabihin ay may pag-asa kaya puwedeng ituloy ang panliligaw.’’

‘‘Diyos ko, kuko pa lang. Magugunaw na ang mundo, wala pang nangyayari,’’ sabi kong nagtatawa kay Tata Baldo.

BAKIT

BALDO

DAPAT

DIYOS

DOKTOR

IBAHAGI

IYON

PAG

TATA

TATA BALDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with