Pero may mga naniniwala na kahit ano ang ibintang sa NPA ay aaminin nito upang ipakitang itoy mayroon pang puwersang labanan ang gobyerno. Sabi ng iba, puwedeng sindikato ang nagtumba kay Kintanar na marami nang alam sa operasyon nito. Posible raw na binayaran ng malaking halaga ang NPA para umamin sa krimen. At komo nangangailangan ng pondo ang kilusan, madaling kakagat ito sa alok.
Si Kintanar ay naging konektado sa Bureau of Immigration (BI)." May mga haka-haka na nakita ni Kintanar ang mga katiwalian ng sindikato sa BI. Handa na umanong magbunyag si Kintanar ng mga nalalaman kaya siyay iniligpit ng sindikato.
Sabi ng dating inteligence agent ng BI na si Erwin Rodolfo, bukod sa human smuggling at kuneksyon sa HK Triad, alam na ni Kintanar ang kuneksyon ng sindikato sa teroristang Al Qaeda. Markado na rin umano si Erwin sa hit squad ng sindikato dahil sa mga nalalaman niyang katiwalian. Tatlong linggo bago itumba si Kintanar, madalas na may nakabuntot sa sasakyan ni Erwin. Mga taong kahinahinala na sakay ng motorsiklo. Pero dahil sa talas ng kanyang pang-amoy, gumagawa na siya ng kaukulang pag-iingat. Ayan, naunang itinumba si Kintanar, aniya. Natalakay na natin ang mga katiwalian sa immigration base sa mga ibinunyag ng ating impormante sa mga nakaraan nating kolum dito at sa bagong tabloid na PM (Pang-Masa). May ugnayan na raw si Kintanar kay Erwin. Interesado na umano si Kintanar na sumuporta sa mga anomalyang ibinubunyag ni Erwin.
Hindi pa rin nawawala kay Kintanar ang "utak rebelde". May nagsabi sa akin na determinado sa Kintanar na wasakin ang graft and corruption sa gobyerno. May iba pang pagbubunyag sakin si Erwin hinggil sa mga sari-saring anomalya sa BI na aking tinalakay sa kolum na Aldabis sa bagong tabloid na PM. Bumili na ng inyong kopya baka kayo maubusan.