^

PSN Opinyon

Ang demotion at devotion ni Braganza

- Al G. Pedroche -
MULA sa pagiging Agrarian Reform Secretary, pumayag si Hernani Braganza na ma-demote bilang Press Secretary. Gusto ni Presidente Gloria kaya bow siya. Ganyan ka-devoted si Braganza kay Presidente. That’s the story of Braganza’s demotion and devotion.

"Devotion para sa akin ang ano mang ipagawa ng Pangulo," aniya. Kapag may debosyon, tapos na ang kalahati ng trabaho.

Mahirap ang trabahong Press Secretary at Spokesman. Tuwing may birada laban sa amo mo, ikaw ang didepensa. Kapag medyo dispalinghado ang sagot mo sa isyu, ang amo mo ang magkaka-blackeye.

Kaya marami ang nagtataka, lalo na sa mga kabaro nating diyarista. Bakit si Braganza. Wala namang karanasan sa pamamahayag. Magpapatupad daw si Braganza ng isang institutionalized integrated communications plan na magsisilbing giya sa kanyang panunungkulan sa OPS. Ito aniya ay sa pamamagitan ng magandang teamwork kasama si Toting Bunye (ngayo’y Presidential Spokesman) at Bobby Tiglao (na ginawang Chief of Staff ng Pangulo).

Natamo ni Braganza ang kompiyansa ng Pangulo nang umakto siyang "chief security" ng mga pangunahing testigo sa Erap impeachment trial at bilang commander ng unofficial presidential security group na nangalaga sa Pangulo sa EDSA Dos. Pero paano kaya kung makaranas ma-kuryente si Braganza? Alergic pa naman ang Pangulo sa "kuryente" o maling balita. Sabi ni Braganza, kapag naranasan niya ito’y kusa siyang lalapit sa Pangulo at sasabihin "ma’m suko na ’ko. Hindi ko kaya."

Inaamin naman niyang wala siyang alam sa ngayon at handa siyang matuto. At dahil diyan, marahil ay magiging mas maingat siya kaysa mga dalubhasang media men na kanyang pinalitan. Mas makaiiwas siya sa kuryente dahil bago siya magpakawala ng ano mang impormasyon, ito’y kanya munang pakakasuriin. Kung minsan nga naman, dahil sa sobra nating kompiyansa sa sarili’y nasasalubsob tayo. Good luck Nani B.

vuukle comment

AGRARIAN REFORM SECRETARY

BOBBY TIGLAO

BRAGANZA

CHIEF OF STAFF

HERNANI BRAGANZA

KAPAG

NANI B

PANGULO

PRESS SECRETARY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with