^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Impsa deal: Bawat isa'y may uling

-
WALANG katapusang pagtuturuan. Ito ngayon ang nangyayari sa imbestigasyon ng kontrobersiyal na Impsa power plant deal. Bawat isa ay naglilinis ng kamay. Bawat isa ay nakaturo sa kalaban at nagpapaka-inosente sa pirmahan ng $470-milyong rehabilitation ng Caliraya-Botocan-Kalayaan power plant sa Laguna. Sa pagtuturuan, nalilito naman ang taumbayan at lalong walang nauunawaan sa kontrobersiyal na Impsa na sumulpot sa panahon ng tatlong administrasyon, Ramos, Estrada at Arroyo. Sa kadahupan ng buhay, wala na silang interes sa kontrobersiya. Hindi na ibig malaman kung sino nga ba ang nag-apruba ng deal sa pamamagitan ng gobyerno at ng Argentine firm ang Industrias Metalurgicas Pescarmonas Sociedad Anonima (IMPSA).

Dumalo kamakalawa sa Senate hearing si dating President Joseph Estrada hinggil sa Impsa deal. Ipinatawag si Estrada sa alegasyon na sa kanyang termino pinirmahan ang nasabing kontrata. Itinanggi ni Estrada ang alegasyon at sinabing walang napirmahang government contract sa panahon ng kanyang panunungkulan. Itinuro niya si dating President Fidel Ramos na umano’y mahigpit ang pagkumbinsi sa kanya para madaliin ang pagpirma. Naka-commit na raw ang administrasyon ni FVR sa Argentine President na si Carlos Menem. Nahalungkat ang $14 million na umano’y suhol ni Manila Rep. Mark Jimenez para madaliin ang pagpirma sa kontrata. Hindi raw niya tinanggap ang suhol ayon kay Estrada.

Ang $14 milyon na suhol ayon naman kay Sen. Panfilo Lacson ay ginawa lamang sa panahon ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Ayon kay Lacson, ang $2 milyon ay napunta naman kay dating Justice Sec. Hernando Perez. Ang halagang ito ang naging dahilan kaya siya pinagbakasyon ni Mrs. Arroyo at napilitang mag-resign kamakailan lamang.

Tatlong administrasyon ang kasangkot at bawat isa ay inililigtas ang sarili. Pawang nagtuturuan at naglilinis ng kamay. Nararapat pang magkaroon ng masusing imbestigasyon ang Senado hinggil sa makontrobersiyang Impsa deal. Dapat matunton kung kaninong administrasyon nga ba nagkaroon ng grabeng katiwalian. Bakit walang pumiyok noong panahon ni Ramos, Estrada at maski ngayong kay Arroyo. Ibig bang sabihin nito’y may mga pinuprotektahan at may gustong itago ang bawat isa. Mahahantong sa pagtuturuan ang lahat at walang magandang resulta pero ang isang tiyak: May dungis ang tatlong administrasyon sa pagkaka-apruba ng kontrata sa Impsa. Pare-pareho lang na may uling.

ARGENTINE PRESIDENT

BAWAT

CARLOS MENEM

HERNANDO PEREZ

IMPSA

INDUSTRIAS METALURGICAS PESCARMONAS SOCIEDAD ANONIMA

JUSTICE SEC

MANILA REP

MARK JIMENEZ

MRS. ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with