Hala bira, GMA!
January 14, 2003 | 12:00am
HINDI ako natutuwa sa kaguluhang nangyayari ngayon sa bansa mula nang ihayag ni President Gloria Macapagal-Arroyo na hindi na siya tatakbo sa 2004. Sinabi ni GMA na dumating siya sa ganitong desisyon upang maihinto na ang pagkakawatak-watak ng taumbayan dahil sa pulitika at maipagpatuloy ang kanyang hangarin na malutas ang mga problema ng bansa.
Subalit nakikita ko ngayon na imbes na sundin ang panawagan ni GMA na makiisa sa kanya na maiwaksi ang pulitikahan at magtulung-tulong, upak na kaagad kaliwat kanan ang isinukli ng mga pulitiko at mga kababayang maiitim ang budhi. Mabuti na lamang at matibay ang dibdib ni GMA.
Marami rin ang parang nakawala sa hawla na halos sabay-sabay na pumapapel upang sila kuno ang nararapat na pumalit kay GMA bilang kandidato sa 2004. Pati sariling partido ni GMA ay may kanya-kanyang mga manok. Sabihin pa, nagpiyesta rin ang mga taga-oposisyon at iba pang mga partido sa pagparada ng kani-kanilang mga manok.
Lalo pang dumagdag sa kaguluhan ay ang isyu ng Charter change. Pinipilit ng mga kalaban ni GMA na isangkot ito para raw mapahaba pa kuno ang termino ni GMA. Kung ako si GMA, tira na lang nang tira. Huwag na lang niyang pansinin ang mga hayok na pulitiko. Makakarma rin ang mga ito. Samantala, gawin na lang ni GMA ang lahat ng mga ipinangako niya sa bayan. Hala bira! Walang atrasan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest