Dalawang mambabatas nagdi-date ngayon sa abroad

ALAM n’yo bang mainit ngayon ang usap-usapan tungkol sa illicit love affair ng dalawang mambabatas?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Mr. Ding Baylon ng Univet; Nante Andrin ng MBC Sales; Ronald Rodela, Oedipus Aldaba, Fe Punzalan, Joy Tan at Rudy Santos ng DZME.
* * *
Alam n’yo bang mainit na usap-usapan ngayon ang diumano’y love affair ng dalawang mambabatas.

Ayon sa aking bubuwit, ang dalawang mambabatas ay pareho nang may-asawa subalit on the rocks pareho ang kanilang marriage.

Si Mr. Mambabatas ay hiwalay na sa kanyang misis subalit may kasunduan sila na magsama pa rin sa iisang bahay. Sila ay nakatira sa isang village sa Makati City.

Ang dahilan ng paghihiwalay ni Mr. Mambabatas at kanyang misis ay dahil sa isang magandang staff nito. Simpleng matulis kasi si Mr. Mambabatas.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, na-asembolan ni Mr. mambabatas ang staff niyang brains and beauty, isang lady lawyer. Nalaman ni Misis kaya ayun, nag-split na silang dalawa. Ngayon ay ang kapwa niya mambabatas naman ang kanyang ka-love affair. Sila ’yung naibalita na rin ng aking bubuwit na nagtatagpo sa basement parking.

Ayon sa aking bubuwit, si Mrs. Mambabatas nagrerebelde naman sa kanyang mister na isa ring super tulis.

Patay kang bata ka!
* * *
Ayon sa aking bubuwit, medyo may edad na ang mister ni Mrs. Mambabatas subalit hanep pa rin sa chiching. Deadly pa rin pagdating sa mga daisy otso anyos.

Noong una ay hindi masyadong iniintindi ni Mrs. Mambabatas ang pagiging babaero ng mister subalit napuno na siya nang masangkot na naman sa isang kontrobersiya ang asawa. Nagkaroon ito ng affair sa magandang anak ng kumpare niyang Chinese businessman.

Ayon sa aking bubuwit, inaamin na ni Mrs. Mambabatas sa kanyang mga amiga ang illicit love affair kay Mr. Mambabatas.

Ayon sa aking bubuwit ang dalawang mambabatas na may love affair kahit pareho na silang may-asawa ay sina…

Naku, malaking scandal ito!

Nag-aambisyon pa naman ang dalawang ito ng mataas na posisyon sa gobyerno.

Ayon sa aking bubuwit, ang dalawang mambabatas ay nasa Spain ngayon.

Ano ba naman ito, advance honeymoon kaya ito?

Ang dalawang mambabatas na diumano’y may illicit love affair ay sina…

Hindi ko na tutukuyin si Mrs. Mambabatas, kawawa naman eh.

Si Mr. Mambabatas na lang.

Siya ay si Mr. Ang Tulis.

Show comments