Walang sinuman ang may karapatang humadlang sa aming ginagampanang propesyon na naaayon sa batas, sa ngalan ng katotohanan.
Ilang beses na rin kaming naharap sa alanganin. Ang mga karanasang ito ay naging malaking tulong sa amin. Natutunan naming iwasan na huwag nang maulit ang mga ganitong pangyayari.
Habang isinasagawa namin ang operasyon, tinatantiya namin ang sitwasyon kung saan kami lulugar. Higit sa lahat, sinisiguro namin ang kahihinatnan ng aming mga aksyon.
Ganito ang aming prinsipyo sa Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO at sa BITAG.
Hindi na namin idedetalye pa ang estilo ng aming surveillance at pamamaraan ng aming undercover operation.
Sa salitang ingles, shit happens unexpectedly. Palabas na kami ng Lakeside Subdivision sa bahagi ng Bgy. Banay-banay Cabuyao, Laguna nang natisod namin ang illegal na dump site na pagmamay-ari ni Severino "Banoy" Hain.
Napag-alaman namin na ang kanilang lupain ay basurahan ng bayan ng Biñan. Itoy ayon sa aming source na isang mataas na opisyal ng Cabuyao Municipal Hall.
Akala nitong mga gunggong na mangmang, na utak-tulisan, puwede nilang isagawa ang kanilang katarantaduhan sa loob daw ng kanilang pag-aaring lupain.
Hinarang ang convoy ng BITAG. Alam nitong hayupak na si Severino, walang ibang dadaanan ang mga residente ng Lakeside subdivision maliban sa kanilang ibinigay na "right of way" para sa mga naninirahan sa nasabing low-cost housing project.
Huli ng aming camera kung papaano niya nginunguya yung kamoteng kanyang kinakain na parang baboy. Di pa nakuntento, humarap pa sa aming camera upang ipakita kung paano niya tinatanggal ang tinga sa pagitan ng kanyang bulok na ngipin.
Ayaw nilang buksan ang gate na bakal hanggat hindi kami nakiusap sa kanya. Pero sa sitwasyong aming kinalalagyan, iba ang nasa aming utak. Sumagi agad sa aming isipan na maaaring itoy isang AMBUSH.
Agad nagbabaan ang aming security back-up. Dinikitan ko agad yung "gago" at inakbayan upang ibulong sa kanya kung ano ang aking mensahe. Kitang-kita namin ang pag-asta ng kanyang mga tauhan sa kabilang kubo.
Nasa video footage ng aming camera, binigyan ko siya ng limang minuto para buksan ang gate at paraanin ang aming grupo. Hindi ko na puwedeng isulat ang mga sumunod na pangyayari. Alam ni Mokong na hindi namin siya sasantuhin.
Nabasag ang kanyang betlog. Umupo na siya sa sulok nang makita niyang nakapuwesto na ang aking mga back-up.
Alam niyang oras na itinaas ko ang aking kaliwang kamay, mangyayari ang isang bagay. Hindi kami magdadalawang-isip ipagtanggol ang aming kaligtasan.
"BITAG" sa ABC-5, tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon.