Young actress, super ingay kapag nakikipag-love making

ALAM n’yo bang maingay pala sa kama ang isang young actress kapag nakikipag-love making?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay PNP Chief Gen. Hermogenes Ebdane Jr.; VW Atty. Jun Crudo ng T.M. Kalaw Lodge; Rep. Mark Jimenez, Rod Mateo, Dr. Henry Chua, Arnel Salazar ng MBC, Noel Espiritu ng DZRH, Charisse Jamio at Ogie Papa Untal ng New Jersey, USA from Lola Nenita and Lolo Nestor Papa.
* * *
Alam n’yo bang maingay pala ang isang young actress kapag nakikipag-"do?’’

Ayon sa aking bubuwit, noong December 26, nag-check inn ang young actress at ang kanyang lover boy sa Dusit Hotel Nikko sa Makati City.

Si Actress at ang kanyang lover ay kumuha ng dalawang kuwarto para hindi mahalata. Pero halos magkatabi naman ang kanilang room. Si Actress ay nasa Room 928 samantalang ang kanyang lover ay nasa Room 926.

Hindi nagamit ang room ni Lover boy sapagkat sila ay nagsama sa kuwarto ni Young actress.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, noong una ay hindi sila masyadong pinapansin ng mga roomboy subalit bigla silang nabulabog sa ingay ng dalawa.

Dinig daw sa hallway ang ingay ni young actress at kanyang lover boy.

Noong una ay naghaharutan ang dalawa, nagbibiruan na para bang naghahabulan sa loob ng kuwarto. Pero nang tumagal ay iba na ang naririnig ng mga roomboy. Halinghing na ni Young actress ang naririnig ng aking mga bubuwit. At may kasamang hiyaw. Hiyaw ng sarap.

Hanep, kung gaano kaamo ang mukha ni Young actress ito ay kabaligtaran pala kapag ito ay nakikipag-love making sa kama.

Ang ingay mo ’Day!
* * *
Ayon sa aking bubuwit, hindi kilala ang Lover boy ni actress. Hindi matiyak ng aking bubuwit kung artista rin.

Ang lover boy ay medyo bata pa, magandang lalaki at mestisuhin.

Samantala, ang young actress na super ingay pala sa kama, nakaka-eskandalo sa mga roomboy…

Masuwerte kayo at hindi kayo nabosohan.

Si Young actress ay lumalabas sa isang soap opera sa ABS-CBN Channel 2.

Siya ay isa sa mga artista sa ‘‘Kay Tagal kang Hinintay.’’ Siya ay kasama rin sa pelikulang ‘‘Dekada ’70.’’

Show comments