^

PSN Opinyon

'King-size' sports jacket

BAGONG SIBOL - BAGONG SIBOL ni Sally T. Malit -
ISA ako sa mga overweight, compulsive eater na ang tingin sa mga programa na may kinalaman sa magandang pangangatawan ay hindi makakatulong sa akin. Na ang mga programang ito ay nababagay lamang sa mga taong 5 to 10 lbs. overweight lamang. Kung higit pa rito, hindi na ito epektibo.

Ang tingin ko sa mga organizer ng programa ay bine-brainwash ang mga sumasali para ma-encourage na mag-diet. Sigurado ako na hindi ito epektibo sa akin dahil isa akong ‘‘hard core offender.’’ Ako ‘yung tipo na pagkatapos na kumain sa isang fast food chain ay kakain ulit pag-uwi sa bahay. Nabubuhay ako sa pagkain. Tanggap ko na habambuhay na akong mataba.

Araw-araw kailangan kong bumiyahe ng tatlong oras papuntang school at pabalik sa bahay. Wala naman akong magawa sa biyahe kaya kumakain na lang ako ng kumakain. Kaya pataba ako nang pataba kada araw. Pine-pressure na ako ng pamilya ko na gumawa ng paraan para mag-diet. Sa dahilang ito nagsimula akong mag-take ng mga appetite depressants.

Ako na siguro ang may pinakamakulay na katawan sa buong Pilipinas. Kasi naman ang mga pills ay may iba’t ibang kulay. May black, blue, green at orange. Meron ding red, yellow at rainbow-colored. Merong pang-umaga, panghapon at panggabing pills. Ang epekto? … lagi akong tuliro… sumasakit ang mga mata ko dahil hindi ako makatulog… lagi pang nanunuyo ang aking lalamunan at laging kinakapos ng paghinga. Pero okey lang, nabawasan naman ako ng 40 lbs. Naging confident ako na hindi na ito babalik pa. Masaya na sana ako pero sa tuwing bumababa ang timbang ko hindi ko naman iniisip kung paano ako kakain kapag wala na ang mga excess poundage na iyon. At gaya ng dati, tumaba ulit ako… at nagsimulang kumain nang mas marami pa sa dati. At pag may nagsasabi sa akin na tumataba ako ay ikinagagalit ko. Kaya kumakain ako ng mas madami pa para asarin lang sila.

Mabilis na nadagdagan ang timbang ko.

Ang katabaan ko rin ang dahilan kung bakit ni minsan ay hindi ako dumalo sa mga parties, maging sa prom namin noong high school. Wala kasi akong damit na maisusuot para doon. Ayoko rin namang maging "wall flower’’ lang sa party. Kung sabagay, ayoko talagang dumalo ng parties. Pero dumating din ang turning point sa buhay ko.

Bumili ako ng sports jacket na gustung-gusto ko noon pa. Binili ko iyon sa tindahan ng mga ‘‘king-size’’ na damit para siguradong may magkakasya sa akin. Nang isukat ko, hindi magkasya sa akin! ‘‘ganun na ba ako kataba?’’ tanong ko sa sarili ko. Agad akong nagpatimbang. Sabi sa akin ng nagtitimbang na kailangan kong gamitin ang mas malaking timbangan dahil hindi raw ako kaya ng maliit na timbangan. Sumunod naman ako. Nagulat ako ng makita ang timbang ko. 300 lbs. na pala ako!

Nagulat ako nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. Agad akong tumayo sa pagkakahiga at tinungo ang salamin. Napabuntung-hininga ako sa aking nakita. ‘‘Hay, salamat. Panaginip lang pala,’’ nasabi ko sa sarili ko.

Kahit labag sa kalooban ko, sumali ako sa isang weight losing program. Sinikap kong sundin ang mga ipinagagawa nila sa akin. Mahirap sa simula pero nasanay na rin ako. Nalaman ko kung ano ang mga ‘‘legal’’ na pagkain at ang mga hindi. May pagkakataon din na hindi ko matiis na hindi tumikim ng mga nakakatabang pagkain. Pero determinado na ako na magpapayat. Kailangan kong maging estrikto sa sarili ko. Kailangan ko ng matinding disiplina.

Makalipas lang ng ilang buwan, naabot ko rin ang ideal weight ko. Gusto ko pa rin ng mga ‘‘illegal’’ na pagkain pero may disiplina na ako ngayon. Disiplina sa sarili na hindi ko inakala na magkakaroon ako. At dahil lang ito sa determinasyon ko na magpapayat. Ngayon, masaya na ako kasi nabibili ko na at naisusuot ang mga damit na gusto ko. Dumadalo na rin ako sa mga parties na hindi namomroblema sa isusuot ko. At kailanman hindi ko makakalimutan ang araw na napanaginipan ko na 300 lbs. na ako at hindi magkasya sa akin ang ‘‘king-size’’ sports jacket na binili ko.

AKIN

AKO

AKONG

KAILANGAN

KAYA

LANG

NAGULAT

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with