Maraming dapat pasalamatan. Maraming umaariba para sa kapakanan ng kanilang kamag-anak. Kapakanan, kung minsay kapahamakan. Ito ay tunay na nangyari.
Disyembre 27, dalawang araw matapos ang Pasko. Alas nuwebe ng umaga. Mula sa opisina ni Director Reynaldo Wycoco ng National Bureau of Investigation (NBI) kung saan ang ever dependable, durable at always smiling na si Clarissa ang umasikaso ng ilan nating mga kailangan, tumuloy ang CALVENTO FILES sa opisina ng National Capital Region (NCR) na pinamumunuan ng batam-batang Regional Director na si Atty. Edmond Arugay (ano kaya ang sekretong taglay ni Edmond? Batang bae? Wag na lang. Iwan na lang natin yan sa mga entertainment at showbiz writers). Nakipagkita tayo sa Executive Officer na si Atty. Hector Geologo. Tama, Geologo ay itoy hindi isang Jolog. Isang makisig at matikas na ahente ng Bureau. Dala natin ang mag-amang nagreklamo tungkol sa kanilang kamag-anak.
Umaksyon agad si Atty. Geologo, kasama si Agent Roberto Divinagracia at dalawa pang mga NBI agents. Mabilis, professional at precise ang mga tauhan ni RD Arugay. Na minsay binansagan na si Rustom Padilla ni Rosebud. Pumunta kami hanggang sa Malabon upang imbitahan, (kunin?) ang taong inerereklamo. Isang labing-walong taong gulang na lalake. Naging maayos ang lahat hanggang sa dinala yung tao sa opisina ni Asst. State Prosecutor Severino Gaa. Dito sa Department of Justice ay nakita natin kung paano pinangangalagaan ang karapatan hindi lamang ng biktima kundi pati na rin ang akusado.
Binigyan agad ng isang magaling na abogado mula sa Public Attorneys Office na si Atty. Marlon Buan. Sa tulong din ni Atty. Jose Balmeo, na-asistihan ang akusado. Mga mambabasa ng CALVENTO FILES, gusto ko lamang iparating sa inyo na suportahan po natin ang mga magigiting na lalake at babaeng abogado, mga Public Defenders na di mo memenosin ang kakayahan. Bagkus ay marami sa kanila sa PAO, ay di-hamak na mas magaling sa mga abogadong nakilala natin na pribadong abogado na kung sumingil ay para bang sa atin na binabawi ang mga nagastos nila sa matrikula sa Law School. Ang kaso ay na Inquest ni State Prosecutor Pablo Formaran, na tamang inilarawan ng isang kasamahan niya sa trabaho na "upright" person. I referred to him as a brave and courageous man, pero nang aking pag-isipan, tama nga, isa siyang matuwid na tao. Nakakita ng di-tama, kahit sino pa siya, hindi siya natakot o nasindak sa posisyon ng taong babanggain. Ito ay gumising sa marami niyang mga kasama na kaya pala kung gugustuhin. Sinuportahan siya ng DOJ at inilahad ang tanging katotohanan lamang. Yan si Prosecutor Formaran. Wala nang paporma-porma si Formaran, katotohanan lamang.
Minsan pa, nais kong pasalamantan ang isang kaibigan na si Undersecretary Jose Callida ng DOJAC na ngayoy Kaibigan Center. Maaari kayong pumunta sa kanilang tanggapan sa Dept. of Justice o di kayay tumawag sa kanilang call center 521-6264. Maraming natutulungan itong Kaibigan Center.
Kung minsay pinupuna natin ang NBI-NCR, pero sa kabuuan, isang professional group ang mga tauhan nito. RD Edmond Arugay, isa kang "sport" na tao. Marunong tumanggap ng batikos at murunong ding mag-handle ng papuri. Hindi ikinalalaki ng ulo (sana nga di ka magbago!). Sigurado akong tangaít-tenga ang ngiti ni Director Wycoco sa grupo ninyo. Nandun din si Assistant Director Utitco na walang pagod na nag-iikot sa mga departamento ng Bureau.
Bakit ako nakapagsusulat ng ganito? Kasi alam ko. Nandun ako.
Para sa anumang mga reaksyon, comments atbp., ipadala ang inyong mensahe sa 09179904918.
Maaari rin kayong tumawag sa 7788442 o di kaya, mag-e-mail sa HYPERLINK "mailto:tocal13@yahoo. com" tocal13@yahoo.com.
Salubungin natin ang Bagong Taon ng walang putukan at manalagin tayo sa Panginoon na isang maginhawang Bagong Taon. TIGIL PUTUKAN. Walang putukan. Alam nyo na lahat yun!