Babala sa lahat ng mga OFW ngayong kapaskuhan
December 25, 2002 | 12:00am
LAYUNIN naming iiwas ang ating mga OFW at ang kanilang mga mahal sa buhay dito sa ating bansa sa BITAG ng mga masasamang loob.
Sa mga kababayan nating OFW na makakabasa ng kolum kong ito, paki-pasa na lang sa iba nating mga kababayan diyan sa inyong mga kinaroroonan. Ito ang aming pamasko sa inyo.
Magandang gabi Mr. Ben Tulfo. Nandito po ako sa Saudi ngayon. Gusto ko lang itanong sa yo kung lehitimo ba ang GLOBAL CHARITY FOUNDATION? Tumama raw ang misis ko ng P980,000.00. Pinag-oopen kami ng account para raw doon ilalagay. Tama ba ang procedure na yan? +96656982893
BAHALA SI TULFOs reply: Walang ipinagkaiba ang estilong ito sa inyong mababasa ngayon. Maaring "modified version" na ang GLOBAL CHARITY FOUNDATION, huwag na huwag kayong magpapaniwala rito.
Laganap na rito sa Pilipinas ang estilong ito ng mga sindikatong naghahanap ng kanilang mabibiktima sa pamamagitan ng cellphone lamang.
Kung anu-anong mga pangalan ng mga kompanya ang ginagamit ng mga ito makapanloko lang. Pati ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) kabilang din ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay hindi nakaligtas at patuloy nakakaladkad ang kanilang pangalan sa malikhaing utak ng mga ito.
Tinatawagan o tini-text ng mga ito ang kanilang biktima at sasabihin na nanalo sila sa isang raffle contest. Kapag "kumagat" ang kanilang biktima at napaniwala nila, hulog agad sa bitag ng kanilang katarantaduhan.
TANDAAN ang mga sumusunod na hakbang ng kanilang panloloko.
UNA, pabibilhin ng mga ito ng cellcard ang kanilang biktima at ibigay sa kanila ang PIN number ng nabiling cellcard.
PANGALAWA, Oras na ginawa ito ng kanilang biktima, ang susunod dito ay bibigyan nila ng account number ng bangko at dito pinag-didiposito nila ng halagang kanilang hinihingi bilang porsiyento sa buwis (tax) sa kanilang napanalunang halaga.
PANGATLO, makikipagkita raw sa biktima ang mataas na opisyal ng kompanyang mga nabanggit sa coffee shop ng five star hotel upang ibigay ang halagang kanilang napanalunan sa harapan ng mga taga-media upang mailathala sa mga pahayagan.
Maging paladuda sa lahat ng oras sa anumang tawag sa inyong cellphone o sa telepono maging sa text na inyong natatanggap lalo nay kapag itoy kahalintulad sa text na inyong nabasa. Mag-ingat! Mag-ingat! Mag-ingat!
Mr. Ben Tulfo, Im nobody. I just want to comment on your way of writing your column. Your column is not advisable to be read by a child. Halos pagmumura na po. God bless any way. 09187581462.
BAHALA SI TULFOs reply: Thank you for your sincere comment. Youre right. My column does not cater to children. It is not rated GP (general patronage). I would not advice your child to read my column either. The bottom line is, we get the desired outcome for adults like you, who seek our help. Merry Christmas and God bless you too.
Para sa mga tips, reklamot sumbong, tumawag o mag-text sa mga numerong ito: 0918-9346417 at sa telepono 932-5310/932-8919. Makinig sa DZME 1530 Khz, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. At panoorin ang programang "BITAG" sa ABC-5, tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon.
Sa mga kababayan nating OFW na makakabasa ng kolum kong ito, paki-pasa na lang sa iba nating mga kababayan diyan sa inyong mga kinaroroonan. Ito ang aming pamasko sa inyo.
BAHALA SI TULFOs reply: Walang ipinagkaiba ang estilong ito sa inyong mababasa ngayon. Maaring "modified version" na ang GLOBAL CHARITY FOUNDATION, huwag na huwag kayong magpapaniwala rito.
Laganap na rito sa Pilipinas ang estilong ito ng mga sindikatong naghahanap ng kanilang mabibiktima sa pamamagitan ng cellphone lamang.
Kung anu-anong mga pangalan ng mga kompanya ang ginagamit ng mga ito makapanloko lang. Pati ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) kabilang din ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay hindi nakaligtas at patuloy nakakaladkad ang kanilang pangalan sa malikhaing utak ng mga ito.
Tinatawagan o tini-text ng mga ito ang kanilang biktima at sasabihin na nanalo sila sa isang raffle contest. Kapag "kumagat" ang kanilang biktima at napaniwala nila, hulog agad sa bitag ng kanilang katarantaduhan.
TANDAAN ang mga sumusunod na hakbang ng kanilang panloloko.
UNA, pabibilhin ng mga ito ng cellcard ang kanilang biktima at ibigay sa kanila ang PIN number ng nabiling cellcard.
PANGALAWA, Oras na ginawa ito ng kanilang biktima, ang susunod dito ay bibigyan nila ng account number ng bangko at dito pinag-didiposito nila ng halagang kanilang hinihingi bilang porsiyento sa buwis (tax) sa kanilang napanalunang halaga.
PANGATLO, makikipagkita raw sa biktima ang mataas na opisyal ng kompanyang mga nabanggit sa coffee shop ng five star hotel upang ibigay ang halagang kanilang napanalunan sa harapan ng mga taga-media upang mailathala sa mga pahayagan.
Maging paladuda sa lahat ng oras sa anumang tawag sa inyong cellphone o sa telepono maging sa text na inyong natatanggap lalo nay kapag itoy kahalintulad sa text na inyong nabasa. Mag-ingat! Mag-ingat! Mag-ingat!
BAHALA SI TULFOs reply: Thank you for your sincere comment. Youre right. My column does not cater to children. It is not rated GP (general patronage). I would not advice your child to read my column either. The bottom line is, we get the desired outcome for adults like you, who seek our help. Merry Christmas and God bless you too.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended