Gringo, tahimik pero 'mapanganib'
December 21, 2002 | 12:00am
LOW profile si Sen. Gregorio Honasan. Pero sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS), pumangalawa siya kay Sen. Loren Legarda sa gusto ng mga tao na maging vice president.
Hindi kasi grandstander si Gringo. Habang ang ibang pulitikoy putak nang putak at nakiki-ride sa sari-saring issue, tahimik lang ang senador na ito. Pero may kasabihang "silent water runs deep." Sawa na marahil sa maiingay na pulitiko ang mga mamamayan. Bangayan dito, bangayan doon. Akusasyon dito, akusasyon doon. Hindi na malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo. Buti pa nga ang manahimik at gawin na lang ang tungkulin. Hindi rin partisan ang kaisipan niya. Doon lagi siya sa inaakala niyang tama. Wala siyang blind loyalty.
Kaunti lang ang nakakabatid na si Honasan ay aktibong tagapagtaguyod ng Philippine Patriotic Movement, isang kilusang nananawagan sa pagbubuklod ng lahat ng progressive forces laban sa tradisyunal na pulitika at magtatag ng malakas na bansa sa pamamagitan ng ganitong plataporma: Malakas na industrialized economy, commitment sa katarungang panlipunan, makatarungan at demokratikong pamahalaan, malakas na sandatahang lakas at mapayapa at produktibong ugnayan sa ibang bansa.
Ganyan din naman ang hangad ng ibang administrasyon pati na ang kay Presidente Arroyo. Kaya lang, sobra ang politika at selfish interest kaya hindi marating ang layunin.
At mayroon nang signature campaign na inilunsad para sa kandidatura ni Honasan sa pagka-vice president. Inilunsad ito sa Candon, Ilocos Sur kamakailan upang himukin si Gringo na sungkitin ang pagka-pangalawang pangulo sa 2004. Hindi rin kaila sa marami ang kilusang Guardians ni Honasan na binubuo ng mga retirado at aktibong miyembro ng militar pati na ng mga pribadong mamamayan na naniniwala sa kanyang national reform agenda.
Kaya sa tingin koy malakas ang fighting chance ni Honasan sa vice presidency.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended