^

PSN Opinyon

Pagpapahayag ng pagsilang kay Jesus

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
ANG Salita ng Diyos ay magkakaroon ng pantaong buhay sa pamamagitan ng paglilihi ng isang babae. Ang babaing iyon ay si Maria. Basahin ang (Lk. 1:26-38).

‘‘Nang ikaanim na buwan nang pagdadalantao ni Elisabet, ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, Galilea, sa isang dalaga na ang pangala’y Maria. Siya’y nakatakdang ikasal kay Jose, isang lalaki buhat sa lipi ni Haring David. Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito. ‘Matuwa ka! Ikaw ay kalugud-lugod sa Diyos,’ wika niya. ‘Sumasainyo ang Panginoon!’’ Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap, at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan niyon. Kaya’t sinabi sa kanya ng anghel, ‘Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalakI, at siya’y tatawagin mong Jesus. Magiging dakila siya, at tatawaging Anak ng kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailanman, at ang kanyang paghahari ay walang hanggan.’

‘‘’Paanong mangyayari ito, gayong ako’y dalaga?’ Tanong ni Maria. Sumagot ang anghel, ‘Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan. Kaya’t banal ang ipanganganak mo at tatawaging Anak ng Diyos. Natatandaan mo ang iyong kamag-anak na si Elisabet? Alam ng lahat na siya’y baog, ngunit naglihi siya sa kabila ng kanyang katandaan. At ngayo’y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalantao – sapagkat walang hindi mapangyayari ang Diyos.’

‘‘’Sumagot si Maria, ‘Ako’y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi.’ At nilisan siya ng anghel.’’


Purihin natin si Maria sa kanyang dakilang kapasiyahan. Mapagkumbaba niyang isinuko ang kanyang sarili sa mga balakin ng Ama. Tularan natin si Maria. Nawa’y lagi nating hanapin ang kalooban ng Ama sa ating buhay.

ANAK

DIYOS

ELISABET

ESPIRITU SANTO

HARING DAVID

IKAW

KAYA

MARIA

PANGINOON

PANGINOONG DIYOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with