Panagutin ang mga nagkasala sa PIATCO
December 14, 2002 | 12:00am
MASALIMUOT na ang nagaganap tungkol sa kaso ng Philippine International Air Terminals Co., Inc. (Piatco), ang private contractor ng NAIA 3. Hindi na masakyan ng mga ordinaryong mamamayan kung ano na talaga ang punot dulo nito at kung ano ang hahantungan.
Nagsimula ang alingasngas nang magpahayag ang Malacañang na nais ng gobyerno na pawalang-bisa ang kontrata ng Piatco dahil sa ibat ibang kadahilanan na ang isa ay may kinalaman diumano sa katiwalian at mga nabagong probisyon sa kontrata. Kung kayat idinulog ng pamahalaang Arroyo na sila na ang magpapatuloy sa dapat gampanan ng Piatco.
Siyempre, hindi basta-basta na lamang bibitawan ng mga namuhunan at mga taong nasa likod ng Piatco ang kanilang pinaghirapan na. Maaaring sabihin nila, Ano kami hilo, kami ang nagsaing, iba ang kakain? Kaya, lalong tumitindi ngayon ang labanan sa kasong ito na hindi lamang sa pukpukan ng mga magagaling na abogado ng magkabilang-panig kundi pati na sa pagsulong ng kani-kanilang estratehiya.
Sa tingin ko mas gugulo ito sapagkat umentra na sa eksena ang mga senador na alam naman nating pulitika at personal na interes ang maaaring pairalin. Kita na nga ninyo, dalawang komite sa senado ang hindi magkasundo. Ang Blue Ribbon Committee ni Sen. Joker Arroyo ay may report na panig na pawalang-bisa ang kontrata ng Piatco samantalang ang Committee on Revision on Codes and Laws ni Sen. Edgardo Angara ay may report upang mabago ang nasabing kontrata.
Maraming kagalingan ang maidudulot ng bagong terminal na ito sa ating bansa na hindi na matatalo pa sa mga pinakamahusay at pinakamodernong airport sa buong mundo subalit hindi rin dapat pakawalan nang ganoon na lamang ang mga nagkasala at mga taong may kinalaman sa lahat ng kapalpakan sa Piatco na naging dahilan ngayon ng kaguluhan at kahihiyan na nararanasan ng ating bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended