^

PSN Opinyon

Kasalanan ng tao ipinapasa sa iba

SAPOL - Jarius Bondoc -
SUNOD-SUNOD ang sakuna ng bus nitong nakaraang linggo. Tatlo ang nahulog sa bangin, isang sinalpok ng dump truck, at isang kinaladkad ng tren. Masamang nagbiro ang isang bus operator na tila uso ang aksidente. At ipinasa-tadhana ng isang manghuhula na talagang ganyan, tatlu-tatlo o mahigit kung dumating ang magkaka-tambal na malas.

Pero ang pinaka-malabong pasya ay galing sa isang transportation official. Aniya, iniimbestigahan niya kung ang mga nasangkot na bus ay orihinal na right-hand drive na converted lang sa left-hand. Delikado raw ang mga ganitong sasakyan.

Kalokohan ang pinalilitaw ng opisyal. Kesyo kasalanan ng makina lahat, at di ng tao.

Ipagpalagay nang right-hand drive ang mga bus. May mga modern conversion kit naman para gawing left-hand drive ito. May mga abang na butas na ang exles para sa tornilyo. Pero tao rin ang nagko-convert. Kung padaskul-daskol ang trabaho, panagutin dapat ng opisyal ang mekaniko o operator. Huwag ibintang sa pirasong bakal.

Sa totoo lang, mataas pala ang lagnat ng driver ng bus na nahulog sa bangin sa Quezon. E bakit pa bumiyahe? Utos kasi ng manager. E di kasalanan din ng tao. Pabaya sa kaligtasan ng pasahero.

‘Yung kinaladkad ng tren, nakipag-unahan kasi sa pagbaba ng pangharang habang dumadaan ang tren. ‘Yung nahulog sa Benguet, nawalan ng preno. ‘Yung sinalpok ng dump truck, nawalan ng giya ang manibela. Lahat ay dulot ng di-pagseryoso sa maintenance at repair. Asal puwede-na-’yan.

Walang pinagkaiba sa Fokker ng Laoag International Airline. Hindi gumagana ang black box (flight data recorder) nang mag-crash sa Manila Bay. Ibig sabihin hindi na-check ng ground crew kung putol ang electrical connection o sira ang box mismo. E, requirement bago lumipad na i-check kung umaandar ito. Kaso, binale-wala ng mekaniko at may-ari. Hayan, maraming namatay. Tapos, ibinibintang sa eroplano.

ANIYA

ASAL

BENGUET

DELIKADO

HAYAN

HUWAG

LAOAG INTERNATIONAL AIRLINE

MANILA BAY

PERO

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with