Ang presensiya ni Jesus sa mundo ay ganap na binago ang mundo. Hindi sa pakahulugang wala nang kamatayan. O di kayay wala nang paghihirap at kalungkutan, wala nang kadiliman. Ang presensiya ni Jesus ay nagbibigay-kasiguruhan sa atin ng isang bagong buhay. Mayroon tayong pananampalataya. Alam natin kung paanong ang mga bagay-bagay ay magwawakas sa bandang huli. Mayroon tayong pag-asa. Si Jesus, sa kanyang kamatayan at pagkabuhay na muli, ang siyang kasiguruhan natin. Sigurado tayo sa pakikibahagi sa kanyang buhay na walang hanggan.
Yaon ang malalim na kahulugan ng Pasko. Itong unang Linggo ng Adbiyento ay nagbababala sa atin na maging handa at mulat (Mk. 13:34-37).
Katulad nitoy isang taong umalis upang maglakbay sa malayong lupain: Ipinababahala ang kanyang tahanan sa mga alipin na binigyan ng kanya-kanyang gawain, at inuutusan ang bantay-pinto na maging laging handa sa kanyang pagdating. Gayon din naman, maging handa kayong lagi, sapagkat hindi ninyo alam kung kailan darating ang puno ng sambahayan maaaring sa pagdilim, sa hatinggabi, sa madaling-araw, o kayay sa umaga baka sa kanyang biglang pagdating ay maratnan kayong natutulog. Ang sinasabi ko sa inyoy sinasabi ko sa lahat: Maging handa kayo!
Ang tagubilin sa Ebanghelyo ay: Na tayoy maging pang-espiritwal na mapagbantay. Kung ang estilo o uri ng iyong pamumuhay bago mag-Pasko ay magkaroon ng kasiyahan, magdadalo sa mga handaan o piging, baka makalipas o di-ninyo mamalayan ang pagdating ni Jesus. Hindi kayo pang-espirituwal na mapagbantay.
Ang Pasko ay hindi isang pangyayari. Hindi tayo naghihintay sa isang okasyon o kaganapan. Naghihintay tayo sa isang Persona.