^

PSN Opinyon

Dapat ba tayong mabahala

KRUSADA - Dante L.A.Jimenez -
HINDI inaasahan ng pamahalaan ang biglaang pagsasara ng mga embahada ng Australia at Canada noong Huwebes.

Ayon sa mga kinatawan ng mga embahada ang pagsara ay bunsod ng mga impormasyon na ang nasabing mga embahada ay kabilang sa target ng mga terorista.

Bagamat hindi maganda ang pagtanggap ng pamahalaan sa desisyong pansamantalang pagsara ng mga nasabing embahada, wala namang magawa ang kinauukulan kundi tanggapin ang desisyong indefinite closure ng tanggapan ng dalawang bansa.

Ang Makati Business Club ay nagpahayag ng pagka-dismaya sa pangyayari. Ayon sa MBC, hindi na naman makabubuti iyon sa kalagayang pang-ekonomiya ng bansa. Ang pagsasara ng mga embahada ay muling pagbabadya ng investor flight, o muling paglikas ng mga mangangalakal sa bansa.

Hindi maikakaila na ang Canada at Australia ay pawang mga pangunahing bansa na malaki ang impluwensiya hindi lamang sa kalakal, kundi sa mga usaping pandaigdig. Kaya’t kung magpapatuloy nang matagal ang pagsara ng mga embahada ng mga ito, malaki na namang sakit ng ulo ito para sa ating mga negosyante at mga overseas Filipino worker (OFW).

Ngunit dapat nga ba tayong mabahala sa mga kaganapang ito, lalo na’t nalalapit na ang kapaskuhan? Ano ba talaga ang dapat nating ipangamba, ang sanhi, o ang bunga ng pangyayaring ito? Nawa’y hindi naman ito magdulot ng mas malaking sakuna para sa ating mga kababayan.

vuukle comment

ANG MAKATI BUSINESS CLUB

ANO

AYON

BAGAMAT

EMBAHADA

HUWEBES

KAYA

NAWA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with