^

PSN Opinyon

Alam n'yo ba?

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ALAM n’yo ba na… ang Indonesia ang bansang may pinakamalaking populasyon ng Muslim sa mundo. Sa 232 milyong populasyon ng Indonesia ay 180 milyon ang Muslim.

…na ang araw ay isa lamang bituin sa 120 bilyong stars sa galaxy.

…na ang buwan ang tanging natural satellite on earth.

…na ang Pyramid of Egypt ang tanging natitira sa Seven wonders of the Ancient World. Ilan sa mga pinakapopular na ancient world wonders ay ang Hanging Garden of Babylon na pinagawa ni Haring Nebuchadnezzar at ang Colossus of Rhodes at Lighthouse of Alexandria sa Egypt. Sinasabing parehong paboritong puntahan ng mga turista ay ang Pyramid of Egypt at ang Leaning Tower of Pisa sa Italy.

…na may mga ibon na nabubuhay hanggang 80 at 100 taon? Ang tanging ibon na lumilipad ng paatras ay ang bee humming bird. Karamihan sa mga ibong nakapagsasalita ay buhat sa parrot family. Ang green parrot, cockatoo at mynah ay madaling turuang magsalita dahil sa kanilang ‘‘syrinx.’’ Ang mynah ay nakapagsasalita nang mahigit sa 200 words.

…na umaabot sa 2,600 species ang ahas. Apatnaraang klase ng ahas ang may kamandag. Mahaba rin ang buhay ng ahas. Ang Annaconda ay nabubuhay hanggang 30 taon. Ang ground snake ay sumusukat ng five feet ang pinakamahaba at ang sawa ay 30 feet.

ANCIENT WORLD

ANG ANNACONDA

APATNARAANG

COLOSSUS OF RHODES

HANGING GARDEN OF BABYLON

HARING NEBUCHADNEZZAR

ILAN

LEANING TOWER OF PISA

LIGHTHOUSE OF ALEXANDRIA

PYRAMID OF EGYPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with