Ayon naman sa mga doktor sa Boston University sa Boston, Massachussets, ang pag-inom ng black tea ay mainam na panlaban sa sakit sa puso, dahil itoy nagtataglay ng anti-oxidant. Inirerekomenda ng mga doktor na apat na tasa ng tea ang inumin araw-araw.
Ang bald eagle na nakalarawan sa watawat ng United States ay hindi naman totoong kalbo. Ito ay may puting balahibo sa bumbunan na lapat na lapat kaya kung titingnan ay parang kalbo ang agila.
Sinasabing the most expensive painting in the world ay ang Mona Lisa ni Leonardo da Vinci. Nagkakahalaga ito ng 100 milyong dolyar. Sinimulan ni Da Vinci na pinta ang "Mona Lisa" noong 1503 at natapos noong 1507. May mga nagsasabi na ang "Mona Lisa" ay mismong si Da Vinci na sinasabing isang bakla. Ang original name ni "Mona Lisa" ay La Gioconda.
Ipinalalagay na malaki ang inspirasyon ng awiting pinasikat ng yumaong Nat King Cole kaya ang obra maestrang ito ay tinawag na "Mona Lisa", the lady with a mystic smile.