^

PSN Opinyon

Ilang dagdag-kaalaman

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
NAGBABALA ang National Institute of Public Health sa Helsinki, Finland, sa mga coffee drinkers na iwasan ang sobrang pag-inom ng kape dahil ito ang sanhi ng rheumatoid arthritis.

Ayon naman sa mga doktor sa Boston University sa Boston, Massachussets, ang pag-inom ng black tea ay mainam na panlaban sa sakit sa puso, dahil ito’y nagtataglay ng anti-oxidant. Inirerekomenda ng mga doktor na apat na tasa ng tea ang inumin araw-araw.

Ang bald eagle na nakalarawan sa watawat ng United States ay hindi naman totoong kalbo. Ito ay may puting balahibo sa bumbunan na lapat na lapat kaya kung titingnan ay parang kalbo ang agila.

Sinasabing the most expensive painting in the world ay ang Mona Lisa ni Leonardo da Vinci. Nagkakahalaga ito ng 100 milyong dolyar. Sinimulan ni Da Vinci na pinta ang "Mona Lisa" noong 1503 at natapos noong 1507. May mga nagsasabi na ang "Mona Lisa" ay mismong si Da Vinci na sinasabing isang bakla. Ang original name ni "Mona Lisa" ay La Gioconda.

Ipinalalagay na malaki ang inspirasyon ng awiting pinasikat ng yumaong Nat King Cole kaya ang obra maestrang ito ay tinawag na "Mona Lisa", the lady with a mystic smile.

AYON

BOSTON UNIVERSITY

DA VINCI

INIREREKOMENDA

LA GIOCONDA

MONA LISA

NAT KING COLE

NATIONAL INSTITUTE OF PUBLIC HEALTH

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with