Editoryal - Hanggang saan ang mga akusasyon ?
November 23, 2002 | 12:00am
SA bansang ito ay namumutiktik ang mga taong gumagawa ng samut saring akusasyon sa kanilang kapwa. Akusa rito, akusa roon. Kung sa karaniwang mamamayan lang ito mangyayari, hindi ito gaanong papansinin. Pero kapag ang akusasyon ay nanggaling sa mga nakaupo sa pamahalaan o iyong mga iniluklok ng taumbayan sa puwesto, ibang usapan na. Mabigat na ito. Kapag mga kilalang personalidad na ang nagbatuhan ng akusasyon tiyak na mayayanig ang bansa.
Pagkaraan nang matagal na pagpapabitin-bitin ni Bulacan Rep. Willie Villarama sa kung sino ang tinutukoy niyang "million dollar man", lalong nag-uumigting ang hinala na may personal silang pag-aaway o iringan. Kung anuman iyon ay sila lamang ang nakakaalam. Noong Martes ay inilantad na ni Villarama kung sino ang "million dollar man" at tinukoy niya itong si Justice Sec. Hernando Perez. Itinanggi naman ni Perez ang akusasyon ni Villarama. Puro kasinungalingan daw ito, sabi ni Perez.
Isang kakatwa kay Villarama ay marami pang pasikut-sikot at pagtanggi kung sino si "million dollar man" gayong marami na naman ang nakakaalam na si Perez nga ito. Ang pagbibitin niya ay lalo lamang nagpaulol sa gutom na mamamayan kung sino nga ba ang Cabinet Secretary na sangkot sa $2 milyong suhol na ibinigay ng isang power plant company. Kakatwa rin namang bakit hindi sa isang proper court dalhin ni Villarama ang akusasyon lalo at sinasabi niyang mayroon siyang mga ebidensiya.
Sa pinasabog ni Villarama ay nakisakay si Sen. Panfilo Lacson, na itinuturing na "kaaway" ni Perez. Ang akusasyon ay lumawak nang lumawak pa dahil sa pagsali ni Lacson. At ito ang naghatid para bumuwelta naman si Perez at inorderan ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan kung ang $2 million bribe sa Cabinet official ay galing sa droga. Si Lacson ay dati nang inimbestigahan ng Senado dahil sa money laundering, kidnapping at drug trafficking activities. Naubos ang panahon ng Senado sa imbestigasyon kay Lacson.
Ngayoy si Perez naman ang niyugyog at hinihiling na imbestigahan din ng Senado. Kung magkakaroon ng imbestigasyon, hindi kaya wala ring kauwian ang mga ito gaya ng kay Lacson. Ang taumbayan ay natutuliro sa maraming akusasyon na sangkot ang mga iniluklok nila sa puwesto. Wala nang panahon para maiahon sa hirap ang mga kawawang mahihirap. Hanggang sa batuhan na lang ba ng akusasyon ang lahat ng ito?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended