Kinondena ang pagmamalabis at pagtampalasan sa mga yamang-dagat sa 16th International Coastal Clean-up na ginanap kamakailan sa Balayan Bay, Anilao, Batangas.
Nakakahiyang isipin na sobrang salaula ang mga tao at maging ang dagat ay hindi pinatawad. Saku-sakong basura ang nakuha ng mga divers gaya ng mga plastic, bote, napkins, balot ng chippies, tsinelas, gulong ng sasakyan at marami pang ibang klaseng basura na nakalalason sa mga yamang-dagat. Hindi maitatanggi na marami ang nakikinabang at kumikita ng ikabubuhay sa karagatan.
Talagang disiplina ang kailangan para mapanatiling malinis ang karagatan. Sa mga salaula at walang pagpapahalaga sa kalikasan ang dapat sa kanila ay ipakain sa pating. Sanay matuto ang mga tao na protektahan ang kapaligiran. Turuan ang mga bata na huwag magtapon ng basura.