Kasalanan

KARAMIHAN sa mga matatandang nasa edad 70 at 80 ay nanatiling aktibo sa kani-kanilang mga "sex life." Ayon sa mga dalubhasa ito ang susi kung kaya’y patuloy na masigla ang katawan at kumikinang ang mga mata ni Tatang.  

Ayon kay Australian sex therapist na si Dr. Rosie King hindi totoong humuhupay ang sex life ng tao habang tumatanda. Sabi ni Dr. King ang pagtatalik ay kasing halaga ng tamang pagkain at ehersisyo pagdating sa tamang pangangalaga ng katawan.  

Sa isinagawang survey sa 500 matatanda sa Pilipinas, lumabas na mahigit sa kalahati ng naturang bilang ang nakikipagtalik ng anim na beses sa isang linggo. Base sa survey ang mga Pilipino ang siyang nangunguna sa Asya pagdating sa hilig sa sex o pakikipagtalik. Pumangalawa lamang tayo sa mga Italyano sa buong mundo. 

Tila walang kamuwang-muwang ang gobyerno na mainam sa kalusugan ang pakikipagtalik. Hindi man lamang nagsisikap ang pamahalaan upang ito ay itaguyod sa mga mamamayan. May mga kampanya ang kagawaran ng kalusugan laban sa dengue. Ngunit parang nahihiya ito pagdating sa usapin ng sex.  

Sinasabing mas maagang namamatay ang mga binata at dalaga kumpara sa mga may-asawa. Bihira ring magpatingin sa manggagamot ang mga may-asawa. Iisa ang kanilang sekreto: Madalas silang magtalik.  

Paano natin mahihikayat ang mga dalaga at binata na dalasan ang kanilang pakikipagtalik? Sumangguni tayo sa mga kasa at bahay-aliwan.

Show comments