Kilala ang spinach bilang magic food ni Popeye, na hanggang ngayon ay paboritong cartoon character na pinapanood sa tv. Ang spinach ay gulay na mayaman sa Vitamin A at nagpapalakas ng resistensiya laban sa sipon, ubo at iba pang respiratory diseases. Ipinapayong kainin ang spinach ng mga diabetic at may kanser.
Sa mga may kidney stone o bato sa bato ipinapayo na palaging uminom ng sabaw ng buko, dalandan at oranges. Mabisa rin sa karamdamang ito ang pagkain ng malunggay, brocolli, carrot at seafoods at ugaliing uminom ng maraming tubig.
Ang ikmo na gamit ng matatanda sa pagnganganga ay napatunayang mabisang pampatibay ng ngipin. Ang nilagang dahon ng ikmo ay lunas sa indigestion, laryngitis at rayuma. Ang dahon ng ikmo na dinarang sa init ay itinatapal sa likod para madaling gumaling ang ubo. Itinatapal din ito sa iba pang kumikirot na bahagi ng katawan.