Papayag ba naman si Joma? I doubt it. Una, alam niyang hindi siya mananalo.
Pangalawa, ang pagtakbo niya bilang Pangulo ay pagtalikod sa simulain ng komunismo. Kapag naging Pangulo siya, bahagi na siya ng sistemang tinatawag niyang bulok.
Pero iyan mismo ang gusto ng pamahalaan nang ideklarang legal ang komunismo bilang partido pulitikal. Dati, outlawed ang Communist Party of the Philippines. Noong panahon ni Ramos, ginawa itong legal para makalahok ang mga komunista sa eleksyon. Akala ni FVR, ito ang lulutas sa problema ng subersyon at insureksyon. Hindi pala.
Mas gusto pa rin ng mga rebeldeng komunista ang armadong himagsikan. Gaya nang nasabi ko sa nakalipas na kolum, ang madugong rebolusyon ay "basic tenet" ng Marxist form of communism na niyakap nina Lenin ng Rusya at Mao Zedong ng Tsina. Ito rin ang uri ng komunismong sinusunod ng mga lokal na komunista.
Ayon kina Bayan Central Luzon chairman Roman Polintan at Bayan Pampanga chairman Frank Mangulabnan, inilunsad na ang Friends of Jose Ma. Sison campaign. May fund raising drive sila upang tulungan ang self-exiled communist leader sa harap ng pagkakaputol ng sustento niya mula sa mga bansa sa Europa matapos ideklarang "terorista".
Kahit di ko siya iboboto, okay sakin na tumakbo si Sison. ibig sabihin, kinikilala niya ang umiiral na gobyerno bagaman at kinukonsidera niyang bulok. Iyan ang tamang paglulunsad ng reporma sa gobyerno. Maging bahagi ka nito imbes na hangarin mo na itoy ibagsak.