^

PSN Opinyon

Hustisya kay Nida

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
KAHAPON ang unang anibersaryo ng kamatayan ng premyadong aktres na si Nida Blanca (Dorothy Jones sa tunay na buhay). Isang taon na siyang patay pero hanggang ngayon hindi pa rin nalulutas ang kanyang kaso.

Si Nida ay natagpuang patay sa likurang upuan ng kanyang kotse na nakaparada sa 6th floor parking area ng Atlanta Towers Centre sa Greenhills, San Juan, Metro Manila noong madaling araw ng Nov. 7, 2001. May 13 saksak ang aktres. Kaagad na binuo ang PNP Task Force Marsha (batay sa Marsha-character ni Nida sa TV show sa ‘‘John ’n Marsha’’ na katambal si Dolphy).

Marami ang naging suspect sa kaso kabilang na si Philip Medel na umamin tapos ay binawi ang kanyang pahayag na siya ang pumatay kay Nida. Sinabi ni Medel na napilitan siyang umamin na siya ang killer dahil tinorture siya ng mga pulis at binantaang madadamay ang pamilya niya.

Naging principal suspect din si Rod Strunk, ang Amerikanong asawa ni Nida na ngayon ay nasa USA na. Marami ang nagsasabi na matatagalan bago malutas ang kaso.

Sa pananaw ng BANTAY KAPWA hindi na baleng tumagal ang pagdinig ng hukuman basta umusad lang ang paglilitis at huwag matulad sa ibang kaso na nanatili na lang na unsolved crime.

Inulila ni Nida ang kanyang kaisa-isang anak na si Kay Torres at ang 89 years old na ina na si Inocencia Acueza.

ATLANTA TOWERS CENTRE

DOROTHY JONES

INOCENCIA ACUEZA

KAY TORRES

MARAMI

MARSHA

METRO MANILA

NIDA

NIDA BLANCA

PHILIP MEDEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with